Fyang Smith ilang beses niloko ng lalaki: Cheating is a choice!

Fyang Smith ilang beses niloko ng lalaki: Cheating is a choice!

Ervin Santiago - January 15, 2025 - 12:30 AM

Fyang Smith ilang beses niloko ng lalaki: Cheating is a choice!

Fyang Smith

LAHAT ng lalaking nakarelasyon ng Kapamilya star at “Pinoy Big Brother Gen 11” Big Winner na si Fyang Smith ay matatawag niyang manloloko o cheater.

Inamin ni Fyang na mukhang wala siyang suwerte pagdating sa pakikipagrelasyon dahil sa kanyang past heartbreaks. Ilang beses na raw kasi siyang nabiktima ng mga cheater.

“Hindi ko po alam. Talagang lahat sila, talagang nag-cheat sa akin. I don’t know why. Siguro may hinahanap sila sa akin, na hindi talaga. Bakit niyo ba ako sinimulan?” ang pahayag ni Fyang sa isang interview.

“Ayon ‘yung hindi ko ma-gets sa ibang lalaki na bakit pa kayo pumapasok kayo sa buhay ng isang babae kung hindi niyo kayang panindigan. Anong sense?” sey pa ng dalaga.

Baka Bet Mo: Fyang Smith nag-ulam din ng asin at toyo, naglaro ng jolens, pogs

Nagtataka pang tanong ni Fyang, “Pumasok lang ba kayo sa buhay ng isang babae para sirain yung buhay niya? I don’t get why bakit kailangan pumasok sa buhay ng isang payapang buhay para mag-cheat?”

“Cheating is a choice, not a mistake,” ang hirit pa ng Kapamilya star.

Pero hindi naman daw siya na-trauma sa love kahit na ilang beses na siyang nakaramas ng heartbreak. Umaasa pa rin siya na darating at darating din ang tamang tao para sa kanya.


“Hindi naman po ako nagmamadali. Career first po muna. Now po, ang finofocus ko po talaga, pag-acting,” aniya pa.

Sabi pa ni Fyang, lahat ng na-experience  niya sa buhay ay ginamit niyang motivation para makatulong sa pamilya sa pamamagitan ng pagkakaroon at pagpu-push sa kanyang career bilang content creator.

Nag-start ang pagiging vlogger ni Fyang noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, “Ang pagiging content creator ko po before, bored lang po talaga ako. I think that was pandemic days po.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala po akong ginagawa sa bahay so why not try ko. And ayun po nagtuloy tuloy,” saad pa ni Fyang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending