Fyang Smith nag-ulam din ng asin at toyo, naglaro ng jolens

Fyang Smith nag-ulam din ng asin at toyo, naglaro ng jolens, pogs

Ervin Santiago - January 14, 2025 - 12:50 AM

PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith nag-ulam din ng asin at toyo

Fyang Smith at Vice Ganda

PROUD probinsyana ang “Pinoy Big Brother Gen 11” Big Winner na si Fyang Smith at talagang na-enjoy daw niya ang kanyang childhood sa Laguna.

Napakarami raw niyang magaganda at masasayang memories noong kanyang kabataan, lalo na ang paglalaro niya ng mga street games kasama ang iba pang mga bata sa kanilang lugar.

“I’m a very probinsyana type of girl po talaga. Born and raised po sa Laguna po talaga so my hometown is Laguna,” pagbabahagi ni Fyang sa panayam ng Push Bets.

Pagpapatuloy pa niya, “Childhood ko po is very simple lang talaga as in kung paano maglaro yung mga bata sa kalsada.

Baka Bet Mo: TINGNAN: Celebs patalbugan ng #OOTD sa Star Magic Christmas Ball

“Kung ano yung mga uso before like jolens, pogs, and everything ganoon lang po yung childhood ko. Sometimes kapag hapon na, automatic, aakyat po ako ng puno,” pagbabalik-tanaw pa ni Fyang.

Dagdag pa niya, “Yung childhood ko very memorable siya sa akin kasi sobrang simple lang, sobrang simpleng tao ko lang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sofia Fyang Smith (@fyangsmithh)


“Kung ano yung mga ginagawa ng mga bata, ginagawa ko rin, laro-laro lang talaga. Very simple lang,” chika pa ng Kapamilya star.

Natatawa pang pambubuking pa ni Fyang sa sarili, “Actually po, mother po ako sa Chinese garter. Sobrang probinsyana ko po talaga.”

Ni-reveal din ni Fyang na dumaan din sa mga pagsubok ang kanilang pamilya, “Before po, although nagpapadala po iying Daddy ko that time, yung ginagawa po ng Mommy ko, basically sinansangla and then tutubusin.

“Kapag wala po talaga, since probinsya nga po, marami namang tanim-tanim sa paligid na gulay ayon po na-survive po namin yung time na iyon.

“Asin, toyo and everything po, naranasan po talaga,” kuwento pa ni Fyang sa naturang panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I can take a bullet for my family. Kahit simpleng way lang ng pagtulong, ginagawa ko,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending