Melai muntik nang sumuko matapos ang 1st round ng PBB audition

Melai Cantiveros muntik nang sumuko matapos ang 1st round ng PBB audition

Ervin Santiago - April 09, 2025 - 06:00 AM

Melai Cantiveros muntik nang sumuko matapos ang 1st round ng PBB audition

Melai Cantiveros

GUSTO na sanang mag-quit ng Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros nang makapasa sa unang round ng audition para sa “Pinoy Big Brother.”

Inalala ni Melai ang naging journey niya sa pagsali sa “PBB: Double Up” na umere sa ABS-CBN noong 2009 kung saan siya ang tinanghal na Big Winner.

Kuwento ng komedyana sa YouTube vlog ng seasoned actress na si Eugene Domingo, nag-audition siya noon sa General Santos City dahil na rin sa pangungulit at pamimilit sa kanya ng kanyang mga kaibigan.

“Nagpa-audition si direk Lauren sa Pinoy Big Brother sa GenSan. Tapos first ever sa GenSan talaga.

“Tapos nag-audition sabi ko ayaw ko, kasi maloko ako sa barkada namin eh, so sabi nila, ‘Mag-audition ka,’ kasi gusto nila na matawa raw sa akin si direk Lauren,” simulang pagbabalik-tanaw ng Kapamilya star.

Sabi ni Melai, sa libu-libong taga-GenSan na nag-audition sa “PBB”, 15 lang ang napili para sa next round at isa nga raw siya sa masuwerteng pumasa.

Natanong si Melai kung may pagkakataon bang gusto na niyang sumuko dahil sa hirap at sa daming pagdaraanan sa audition.

“Actually gusto ko nang umalis nu’ng pagka-first (round). Ang tinanong kasi sa akin ano ang gusto niyong negosyo sa GenSan?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang inisip ko sari-sari store na lang ‘to para maganda. Ang sinagot ng una mini-store, yung next mini-mart, ang dami na namin.

“Nu’ng sa dulo na sabi nila, ‘Anong sagot mo?’ (Ang sa akin) vulcanizing shop. Napansin siguro ako ni Direk Lauren Kasi pangarap ng mama ko ang vulcanizing shop,” ani Melai.

Samantala napag-usapan din sa vlog ni Uge ang pagiging pambatong host ni Melai sa mga show ng ABS-CBN. Sey ng komedyana, nagsimula talaga ito nang mapasama siya sa “Magandang Buhay”  with Karla Estrada (pinalitan ni Regine Velasquez) and Jolina Magdangal.

“Naramdaman ko sa Magandang Buhay (passion sa hosting). Kasi parang nagkaroon ako ng comfortable sa mga co-host ko.

“Tapos feeling ko parang…ay parang dito pala ako dinala ng tadhana, dito sa showbiz kasi akala ko two years lang ako dito eh, babalik na ako sa GenSan, magtinda na ako ng isda ba doon, ano ba ang iba kong ititinda doon.

“So parang du’n ko nasabi na ay pwede pala ako dito sa showbiz,” sey ni Melai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang napapanood si Melai bilang host ng “Pilipinas Got Talent” at “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending