Xyriel Manabat: Hindi nasusukat ang respeto ko sa sarili sa piraso ng tela

Xyriel Manabat
FEELING ng Kapamilya actress at dating child star na si Xyriel Manabat ang pinakamatinding misconception sa kanya ng mga tao ay wala siyang respeto sa sarili.
Marami raw kasi ang nagdya-judge sa kanya nang dahil lamang sa istilo ng kanyang pananamit, kabilang na ang mga sexy photos na ipino-post niya sa social media.
Sa isang episode ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition”, nagkaroon ng pa-“presscon” ang mga celebrity housemates sa pagpasok ni Xyriel.
Kasama niya ang Kapuso Sparkle artist na si Shuvree Etrata bilang mga bagong housemate sa Bahay ni Kuya.
View this post on Instagram
Isa nga sa naitanong kina Xyriel at Shuvee ay kung ano ang pinakamaling pagkakakilala sa kanila ng mga tao.
Sagot ni Xyriel, “Feeling ko, ang biggest misconception sa akin is just because of the way I dress or express myself sa pananamit. Feeling ng tao wala akong self-respect.
“For me, hindi nasusukat ‘yung respeto ko sa sarili ko sa piraso ng tela. Para sa akin, kahit gaano ko ka-confident o kakomportable sa skin ko, hindi mo masasabi na hindi ko nirerespeto ang sarili ko,” paliwanag niya.
Isa si Xyriel sa mga celebrity na palaging biktima ng body shaming kaya naman sa isang social media post talagang niresbakan at sinupalpal niya ang mga bastos at malisyosong mga netizen.
* * *
Painit nang painit ang hapon ng mga Kapuso dahil sa big revelations sa hit GMA Afternoon Prime series na “Mommy Dearest.”
Bistado na ang masasamang plano ni Olive (Camille Prats) para lalong magkasakit ang kanyang anak.
Nalaman na nga ni Mookie (Shayne Sava) na pini-peke lang ni Olive ang medical results nito at binibigyan siya ng mga gamot para sa hayop. Sey tuloy ni Mookie sa ina, “You’re making me sick!”
Hiyaw ng isang avid viewer ng serye, “Laban, Mookie! Dapat makulong ‘yan si Olive! Grabe na ang pagkabaliw niya, ninakaw lang naman niya si Mookie at inangkin na anak niya.”
Malulusutan pa kaya ni Olive ang paglabas ng katotohanan? Tutukan ang “Mommy Dearest,” tuwing 3:20 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.