Ashley Ortega umiyak kay Big Brother, gusto na bang umuwi?

Ashley Ortega umiiyak na nag-sumbong kay Big Brother, gusto na bang umuwi?

Therese Arceo - March 21, 2025 - 09:28 AM

Ashley Ortega umiiyak na nag-sumbong kay Big Brother, gusto na bang umuwi?

HANGGANG ngayon ay tila hirap pa rin ang Kapuso artist na si Ashley Ortega sa pag-a-adjust bilang housemate sa pinakabagong edisyon ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab”.

Sa naging episode nitong Miyerkules, March 19, umiiyak na dumulog ang aktres sa confession room dahil sa halo-halong nararamdaman.

“Kuya, I miss home. I miss my dog, I miss my friends. Naiinis ako dito, ang dami kong nararamdaman,” umiiyak na sabi ni Ashley.

Aniya, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit iyak siya nang iyak.

Baka Bet Mo: Mavy Legaspi goodbye na sa PBB Collab; Ashley Ortega napaiyak

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi ko alam bakit ako iyak ng iyak, ayoko ‘yong nararamdaman ko ngayon. I am so overwhelmed, napapagod ako kuya,” sumbong pa ni Ashley.

Halo-halo kasi ang nararamdaman niyang emosyon lalo na nang tuluyang umalis sa loob ng bahay ang kanyang boyfriend na si Mavy Lagaspi at ang naging malapit sa kanyang si Ivana Alawi.

Lahad pa ni Ashley, “Ang dami kong nararamdamang mga emotions, naiyak na lang din ako because of all the emotions that I felt this week. From Mavy leaving, from being paired with Ivana and then her leaving, gusto ko magmukmok mag-isa.

“Gusto ko umiyak mag-isa, ayokong i-express ang nararamdaman ko eh, gusto ko lang umiyak.”

Mas pinili na lang niyang umiyak at magkwento kay Big Brother dahil nahihirapan siyang ipakita ang vulnerable side niya sa ibang mga kasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot naman ni Kuya, valid at normal naman ang nararamdaman ni Ashley lalo na’t malayo siya sa kanyang nakasanayang pamilya at mga kaibigan.

“Yang nararamdaman mo normal yan dyan sa loob. Nakaka overwhelmed talaga minsan. Kung hindi mo pa kayang mag open up sa kanila I won’t force you. You don’t have to.

“Gusto ko lang malaman mo na this is a safe place. Anytime na gusto mo mapag-isa, you can run here,” payo ni Kuya kay Ashley.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending