Pwet ni EA, bukol ni Jake pinagpiyestahan; Hidilyn pak na pak

Pwet ni EA tinilian; bukol ni Jake pinagpiyestahan; Hidilyn pak na pak

Ervin Santiago - March 23, 2025 - 07:40 AM

Pwet ni EA tinilian; bukol ni Jake pinagpiyestahan; Hidilyn pak na pak

EA Guzman, Jake Cuenca, Derrick Monasterio at Hidilyn Diaz

KUNG may tunay na nang-agaw ng eksena sa naganap na “Body of Work” underwear fashion show, yan ay walang iba kundi sina Jake Cuenca at Edgar Allan Guzman, Royce Cabrera, Derrick Monasterio at Jameson Blake.

Tiliang walang patumangga ang audience nang rumampa na sila on stage suot ang kanilang mga skimpy underwear.

Talagang sigawan at palakpakan ang mga sumugod sa SM Mall of Asia Arena nitong nagdaang Biyernes ng gabi nang magpakita ng kanyang makinis na pwet si EA.

Naloka rin ang sandamakmak na beki nang unti-unting ibaba ni Royce ang suot na briefs kung saan muntik nang mag-hello ang kanyang private parts.

Pero agad din niyang itinaas ang suot ng underwear kaya sigawan uli ang audience na tila nabitin sa panunukso ng Kapuso hunk.

Super clap din ang mga girlalu at bading nang lumabas na sa stage si Jameson Blake nang naka-briefs lang. Ibinaba rin niya ng bahagya ang isang side ng kanyang underwear pero itinaas din agad.

Nakatanggap din ng malakas na palakpakan ang isa pang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio. Para sa amin, siya ang may pinakamagandang katawan na rumampa sa “Body of Work” with his yellow boxer briefs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Medyo naintriga lang ang binata nang mabigyan ng malista ang pagsasabit ng dala niyang garland sa aktor at negosyanteng si RS Francisco.

Parang napukaw daw ng LGBT advocate ang mga mata ni Derrick. kinagulat at ikinasaya kasi ng netizens nang kusang ibigay at isabit ni Derrick ang suot na bulaklak na props kay RS na nakaupo sa front row.

Wala namang nagawa si RS kundi ngumiti at tanggapin ang bulaklak. At in fairness, usap-usapan na ngayon sa social media ang nakakaaliw na video footage nina Derrick at RS.

Naintriga lang ang ilang kabadingan kung bakit kay RS Francisco niya ipinasuot ang hinubad na garland. Yun pala, napansin ni Derrick na senyas nang senyas si RS sa kanya, kaya kay RS niya ito isinabit.

Bongga rin ang paandar at pasabog ni Jake Cuenca na lumabas ng stage nang  nakasakay sa motorsiklo at nakasuot ng white polo and pants. Isa-isa niya itong hinubad sa harap ng audience hanggang sa tumambad na nga ang hubad niyang katawan with his white T-back underwear.

Nagawa na rin ito ni Jake sa huli niyang pagrampa sa nakaraang underwear fashion show ng Bench. But this time, umarangkada siyang naka-T-back sakay ng motorsiklo.

Samantala, body positivity naman ang ipinagsigawan ng Pinoy Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz na game na game ring nagpaka-runway model sa naturang fashion event.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lumabas siya on stage kasama ang ilang hunky male models suot ang isang blue long gown at nang tumigil na sa harap ng audience, bigla niya itong tinanggal at lumantad ang tunay niyang pasabog na OOTD — isang green undergarments na ginagamit niya sa weightlifting.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending