Andrea Brillantes sa love scene nila ni Jake Cuenca: Lord please guide me!

Andrea Brillantes at Jake Cuenca
“ANG daming doubt, dapat ko bang gawin ito? Is now the time for this?” tanong ni Andrea Brillantes nang malamang may love scene sila ni Jake Cuenca sa “FPJ’s Batang Quiapo.”
In fairness, talagang pinag-usapan nang bonggang-bongga ang laplapan at bathtub scene nina Andrea at Jake sa trailer pa lang ng hit action-drama series ni Coco Martin sa ABS-CBN.
“It was difficult, behind the scenes. It was difficult for me being Blythe, but Andrea Brillantes wala masyadong problema, it’s her job and it’s her work,” ang pahayag ni Andrea sa panayam ng ABS-CBN.
Patuloy pang pahayag ng aktres, “Ang daming doubt, dapat ko bang gawin ito? Is now the time for this? Ang daming questions, ilang beses ako nagpa-counsel. Sabi ko, ‘Lord please guide me.’ Nagawa ko siya and thankful ako sa mga reactions ng mga tao.”
Tuwang-tuwa naman si Andrea sa naging reaksyon ng mga manonood sa bago niyang proyekto, “Mas nag-expect ako ng mga violent reactions mula sa mga tao, wala actually. Ang daming nakaintindi na it’s part of my work.”
“It’s my job as an actress. Kine-claim ko kasi ang pagiging versatile actress ko. I can’t claim my versatility if I cannot do roles like this.
View this post on Instagram
“It was a bit difficult for me personally, but bilang Andrea Brillantes, laban! Time to explore, time to accept new roles, challenging roles,” pagse-share pa ng Kapamilya star.
Thankful din si Andrea kay Jake dahil talagang inalagaan siya sa nasabing eksena, “Ako ay nagpapasalamat kay Kuya Jake. Nagpapasalamat ako sa buong staff, kay Direk.
“Minemake-sure nila na nasa safe space ako, na safe space ito and I don’t feel violated or exploited.
“I don’t feel offended in any way. Lagi akong sinasabihan ni Kuya Jake na ‘Let me know if hindi ka comfy,’” aniya pa.
“Medyo awkward nang konti lang kasi ‘kuya-kuya’ ko siya. Nu’ng dati kong naka-work ko siya, I was just 14 lang noon. Tinawanan na lang namin pero kasi parehas kaming aktor,” chika pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.