Andrea Brillantes palaban sa ABS-CBN Ball, boobs muntik mag-hello?
KABOG na kabog ang naging atake ng Kapamilya actress at tinaguriang 2024’s Most Beautiful Face na si Andrea Brillantes sa ABS-CBN Ball.
Ngayong gabi ay kasalukuyang nagaganap ang ABS-CBN Ball sa Solaire Resort North na dinaluhan ng mga kilalang personalidad mula sa ABS-CBN at ilang artists mula sa GMA Network.
Kung noon ay talagang bonggang bonggang gown ang suot ni Andrea ay tila may pa-version 2.0 ang dalaga sa kanyang simpleng white tuxedo, ponytail, at ang kanyang pangmalakasang red lips.
Pinatunayan pa rin ng aktres na talagang isa siya sa mga artistang mapapalingon ka talaga sa angking ganda.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes sa love scene nila ni Jake Cuenca: Lord please guide me!
View this post on Instagram
Sa dami ng mga papuri na natatanggap ni Andrea sa social media ay kapansin-pansin rin na tila nag-babu na siya sa kanyang sweet image lalo na’t palaban ang kanyang white tuxedo.
Halos mag-hello na kasi ang kanyang boobs sa kanyang suot pero laban at awra pa rin ang aktres na siyang nagpadagdag ng lakas ng appeal niya.
Narito ang ilang komento ng mga netizens sa rampa ni Andrea.
“Jusmiyo! dyoga pa lang talbog na sila sayo mare.”
“The night is over, All artists bowed to Queen Andrea.”
“Pak na pak ‘yung kwintas. Very ahas ang atake! Kinakabahan si Heart Evangelista.”
“Face card never declines talaga tapos ang katawan, pakak! Ang ganda ganda mo, Andrea!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.