Chavit Singson, anak na si Kim winner na winner sa fried chicken ng Korea

Chavit Singson, Kim Singson at Tanya Llana
IN FAIRNESS, nagkamali ang mga nanghula at nagsabing matatapos at malalaos din ang K-pop at K-drama sa Pilipinas.
Habang tumatagal ay palakas pa rin nang palakas ang powers at impluwensiya ng South Korea sa ating bansa, contrary to claims ng ilan na mamamatay din ang Korean pop culture sa Pilipinas.
Kaloka! Sa compound lang namin somewhere in Cainta, Rizal, ay puro mga adik sa Korean series ang nakatira. As in wala silang pinagtsitsismisan araw-araw kundi mga K-drama na napapanood nila sa free TV at sa mga streaming platforms.
Bukod sa patuloy na pamamayagpag ng mga K-pop artists at mga K-drama sa bansa, parami rin nang parami ang Korean restaurant at iba pang entertainment hubs sa Pilipinas.
Tulad na nga lang ng pagdami ng BB.Q Chicken resto sa bansa na pag-aari ng pamilya ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.
Isa kami sa naimbitahan sa grand opening ng pinakabagong branch nito sa Robinsons Antipolo recently, owned by Manong Chavit’s daughter Kim Singson.
Ayon kay Kim, na siya ring CEO ng KAS Restaurant Group, ito na ang kanilang 15th branch sa bansa at 15 pang branch daw ang balak nilang buksan this year.
Pinangunahan muli ni Manong Chavit ang naganap na ribbon cutting ng BB.Q Chicken sa Robinsons Antipolo kasama ang ilang VIP guests.
Sabi ni Kim at ni Tanya Llana, VP ng Genesis BB.Q Asia, isa ang Robinsons Antipolo branch sa pinakamalalaking sangay nila sa Pilipinas.
Meron itong 130 seating capacity, malaking VIP room at mezzanine floor kung saan pwedeng magpa-book at mag-celebrate ng special occasions/private functions/events.
“Our target is 30 total stores this year and then we also want to bring in more of the Korean culture in terms of we’re looking at tie-ups, maybe collaborations, with K-pop artists, K-drama artists. So we’re looking at that as well,” chika ni Tanya sa panayam ng media.
Kung matatandaan, last year ay dinala nila sa bansa ang K-drama superstar na si Lee Seung Gi (bumida sa Vagabond at a Korean Odyssey) para sa opening ng ilan nilang branch.
“We had them last year. Right now, there’s nothing concrete yet. We’re such a fan of him, so we’re hoping in the future,” ani Tanya.
Balak din daw nilang makipag-collab sa mga sikat na P-pop artists para sa naiisip nilang marketing campaign, “But definitely,” sabi ni Tanya.
“We have a lot of collaborations with known or popular chefs coming up, that’s one. ‘Cause we want to target per area. Like, for example, we will get a really good chef from Antipolo so we will have flavors of Antipolo and with his knowledge of the city and province.
“Chef Tatung was our first one for the Independence Day flavor which was adobo. We’re also looking for Antipolo, Pampanga, Laguna to incorporate, maybe, kesong puti and stuff like that. So there’s a lot of different things we’re planning for this year,” ang chika pa ni Tanya.
In fairness, lahat ng food sa BB.Q Chicken ay masarap at pang-world class ang lasa pero hindi ganu’n kamahal. At ang mas bongga pa rito, naglalabas sila ng bago at kakaibang flavor every two months.
This year, may mahigit 12 variants na ang kanilang chicken, kabilang na ang dalawang bagong flavors na creamy onion at orangy citrus chicken na pak na pak ang lasa para sa amin at iba pang miyembro ng entertainment media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.