Chavit Singson feeling healthy sa edad na 83

Chavit Singson feeling healthy sa edad na 83; maraming ipo-produce na movie

Ervin Santiago - April 06, 2025 - 12:20 PM

Chavit Singson feeling healthy sa edad na 83; maraming ipo-produce na movie

SA edad na 83, ay marami pang gustong gawin si dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, partikular na ang pagtulong sa movie industry.

Masayang ibinalita ng dating gobernador na magaling na magaling na siya ngayon matapos tamaan ng pneumonia ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

Ang pagkakasakit ni Manong Chavit ang naging dahilan kung bakit nagdesisyon na siyang umatras sa pagtakbong senador sa darating na May, 2025 elections.

Nangangamba siya na hindi niya magampanan nang maayos ang kanyang trabaho kapag nanalo siya at mahalal sa naturang government position.

Baka Bet Mo: Chavit Singson hiyang-hiya kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, anyare!?

Sabi ng former governor, sa ngayon ay mas gusto na lamang niyang i-enjoy ang kanyang pribadong buhay at mas mag-focus sa pagpo-produce ng pelikula at makatulong sa movie industry.

“Oo, wala na akong sakit, okay na okay na uli ako,” ang pahayag ni Manong Chavit sa mediacon ng pelikulang “Beyond the Call of Duty” na siya ang nag-produce.

“Ang palagi ko kasing sinasabi sa tao, enjoy life. Noong naospital ako sabi ko, anong ginagawa ko rito?

“‘Yung mga governor, mga mayor, ayaw nila na umatras ako. Pero decided na ako noon (na umatras na sa pagtakbo sa pagkasenador),” sey pa ni Manong Chavit.

Samantala, tuloy na tuloy na ang production ng “Beyond the Call of Duty” na ipo-produce ng dating governor with his daughter Stephanie, habang ang direktor nitong si Jose R. Olinares Jr., o “Direk JR” ang magsisilbi ring supervising producer.

Sabi ni Manong Chavit, simula pa lang daw ito ng marami niyang ipo-produce na pelikula, “Marami akong gagawin dahil ang aking nanay ay producer noong araw.

“Gusto ko lang na makatulong sa industriya para may hanap-buhay ‘yung mga artista natin,” aniya pa.

Nakipag-partner din si Manong Chavit para sa naturang advocacy movie sa Philippine National Police (PNP), Philippine Public Safety College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP), at PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc..

Sesentro ang kuwento ng “Beyond the Call of Duty” sa katapangan, dedikasyon, sakripisyo at camaraderie ng mga Filipino public servant, partikular na ng ating kapulisan at bumbero.

“This movie is not just entertainment, it’s a salute to our modern-day heroes. We want to showcase their sacrifices, courage, and the unspoken bonds that keep them going,” sabi ni Singson.

Isa sa mga bida sa pelikula ay ang anak ni Manong Chavit na si Christian Singson kasama sina Martin Escudero, Jeffrey Santos at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan sa mga naka-line up pa niyang projects ay ang pelikulang pagbibidahan ng Hollywood actor na si Jean-Claude Van Damme at ng Korean-American actor na si Ma Dong-Seok.

Ibinalita rin niya na nagkaroon naman ng problema sa script ng part 2 ng Korean drama na “Vagabond” na pagbibidahan ng K-Drama star na si Lee Seung-gi kaya hindi pa ito matuluy-tuloy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending