Chavit Singson hiyang-hiya kina Pia at Catriona, anyare!?

Chavit Singson hiyang-hiya kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, anyare!?

Ervin Santiago |April 22,2024
facebook
share this

Chavit Singson hiyang-hiya kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, anyare!?

Ervin Santiago - April 22, 2024 - 12:19 PM

Chavit Singson hiyang-hiya kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, anyare!?

Pia Wurtzbach, Chavit Singson, Catriona Gray

PAREHONG na-link sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray kay dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson matapos silang koronahang Miss Universe.

Kaya naman isa yan sa mga chikang naitanong ng mga opisyal at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kay Manong Chavit nitong nagdaang Sabado, April 20.

Nakachikahan namin at ng iba pang members ng SPEEd ang negosyante at dating gobernador sa kanyang bahay sa Corinthian Gardens, Quezon City, at dito nga niya nilinaw ang tsismis tungkol sa kanya at kina Pia at Catriona.

Napag-usapan ang tungkol dito nang matanong si Manong Chavit kung may balak pa ba siyang dalhin dito sa Pilipinas at maging co-producer ng Miss Universe pageant.

“Iniimbita nga ako every year, e, pero hindi lang ako makapunta dahil bising-busy ako,” sabi ni Gov. Chavit na nag-sponsor sa 65th Miss Universe na ginanap noong January 30, 2017, sa SM MOA Arena, Pasay City.

Baka Bet Mo: ‘Little Seoul’ ni Chavit Singson itatayo na sa Pinas, wala ng kaaway ngayon: Si Pareng Erap, si Manny Pacquiao magkaibigan na kami’

Sa tanong kung bakit hindi niya binili ang franchise ng Miss Universe, “Hindi na nga kailangan dahil ibinibigay naman sa akin, e. ‘Basta ikaw,’ sabi sa akin. Hindi na kagaya noong araw na may downpayment, may guarantee. ‘Basta ikaw ang hahawak, bigyan ka pa namin ng discount,’ sabi sa akin.

“Hindi kagaya noon na nag-a-advance ako ng 12 million,” aniya pa.

Patuloy pa niya, “Sinabi ko naman, yun kasing company ko, ibinibigay ko sa kanila kung may project. Ang sabi sa akin, maganda para sa ating country, but maaaring malugi ka or kumita.

“Pero kung one, two million (dollars) lang ang nalulugi, okay lang sa akin para lang dumami ang turista natin.

“Pero ang ginastos ko, hindi lang 12 million. Bumili pa ako ng eroplano, yate, sasakyan. So umabot ng 20 million dollars (P1.2 billion),” rebelasyon pa ni Manong Chavit.

“Pero para lang sa ating bansa. Dahil mababawi rin natin iyan pag maraming turista. Kagaya yung ginawa yung Singapore. Binayaran nila si Taylor Swift, three million a day. Lahat ng kita, kay Taylor Swift.

“Binayaran lang para huwag magpalabas sa ibang country (sa Southeast Asia), para doon lahat pupunta. Ganu’n! Dapat gobyerno ang naggaganu’n, e,” sey pa niya.

Tungkol naman sa Miss Universe,  “Iniimbita ako palagi. Ibinibigay sa akin, ‘Maski saan mo gawin.’ Wala lang akong time.”

Hindi rin pabor si Gov. Chavit sa pagtanggap ng mga kandidata sa Miss U ng may asawa at anak na, pati mga senior citizen.

“Yun nga, maraming…kagaya noong ginawa ko rito, may nag-o-object, mga women’s group.

“Kaya nag-additional ako (donation), para lang sa kapakanan ng mga babae, ganu’n. Napagastos tuloy ako. So ngayon, nagpapasok sila ng may anak. Hindi na Miss Universe iyon. Miss Universe, e, masisira na yun. Hindi dapat,” punto pa niya.

Sana raw ay nanatili ang dating criteria na mga dalagang 18 to 20 something ang mga kandidata, “Iyon lang dapat. At saka lahat, buong mundo, pag ginagawa ang Miss Universe, hotel lang sila.

“Maski noong araw. Dahil takot silang may mangyari. International issue, e. Pero nung nakuha ko, hindi ko sinasabi sa kanila, nilabas ko lahat.

“‘Binayaran ko na kayo, gawin ko ang gusto ko!’ Inilabas ko sa buong Pilipinas para mabawi natin. Ipinakita ko lahat ng magaganda sa Pilipinas. Then after that, sabi nila, the most successful Miss Universe…Philippines!” aniya pa na ang tinutukoy ay ang Miss Universe 2016 pero January, 2017 na ginanap sa bansa.

“Delayed iyon dahil walang may gustong mag-finance noon, e, noong 2016. Kaya 2017 ginawa. Tapos na ang term ni Pia (Wurtzbach) noon. Kaya noong nilabas-labas ko si Pia, dinala ko sa Las Vegas, nagpunta kami sa New York, doon sumikat naman si Pia,” pahayag pa ni Gov.

Ito ang isa sa dahilan kung bakit na-link sila ni Pia pati na kay Miss Universe 2018 Catriona Gray. Kaya ang sundot na tanong sa kanya ay kung totoo ang naglabasang tsismis noon about them.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi naman, wala naman yun. Nahihiya naman ako, mga kaibigan lang. Ayaw kong mag-take advantage. Marites iyon!” ang nakangiting sagot ni Manong Chavit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending