Arnel Pineda nagsalita na sa chikang hinatulan daw ng life sentence sa US

Arnel Pineda
KALAT na ang balitang hinatulan umano ng habangbuhay na pagkakulong ang frontman ng bandang Journey na si Arnel Pineda.
Sa isang YouTube vlog, ibinalitang pinatawan ng parusang life sentence ang singer ng isang korte sa San Francisco, California, dahil sa umano’y kaso ng pang-aabuso.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, pinabulaanan ni Arnel ang nasabing balita. Isang IG follower niya kasi ang nagtanong hinggil dito.
Comment ng naturang IG user, “What’s going on with the YouTube video about you being sentenced to life?”
Tugon sa kanya ni Arnel, “Well im somewhere nice and the sentence was in Sanfo..do the math.”
View this post on Instagram
Base sa isang post ng singer sa Instagram nitong nagdaang Sabado, March 29, 2025, na kasalukuyan siyang nasa Metro Manila at wala sa Amerika.
Sa isa pa niyang hiwalay na IG post, mapapanood sa video ni Arnel ang napakagandang Metro Manila skyline mula sa lugar kung saan siya naroon.
Aniya sa caption, “#heatwave in #metromanila won’t stop me from enjoying my #unfiltered #sunsets.”
Maliwanag din sa mga post ni Arnel na fake news din ang mga balita sa social media na nag-collapse raw siya habang nasa korte nang hatulan siya ng panghangbuhay na pagkakulong.
Narito naman ang ilang comments ng netizens sa fake news na kumakalat about Arnel.
“Demanda mo Arnel para matuto!”
“Good to hear from you. i also came across one YT video saying about you being sentenced to life… I looked it up for any news article but i couldnt find any. Glad you’re okay bro!”
“Muntik na’ko maniwala sa mga fake news sa youtube. Buti na lang nagresearch ako.”
“Kuya Arnel dati isyu aalis ka na ng Journey. Ngayon life time imprison naman daw.😂 Daming jinggeterong marites.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.