Arnel Pineda may vocal crisis; nawala ang pinagpagurang yaman?

Arnel Pineda may vocal crisis; nawala nga ba ang pinagpagurang yaman?

Reggee Bonoan - April 02, 2025 - 04:36 PM

Arnel Pineda may vocal crisis; nawala nga ba ang pinagpagurang yaman?

Arnel Pineda at ang Journey

NANGANGAMBA ngayon ang grupong Journey dahil sa lead vocalist nilang si Arnel Pineda na dumaraan ngayon sa vocal crisis.

May world tour pa naman daw ang grupo ngayong 2025 hanggang 2026 at ang ilan sa schedules ay simula sa May (Modesto, CA, US – State Theatre, Visalia, CA, US – Visalia Fox Theatre); June (Riverside, CA, US – Fox Performing Arts Center); July (Chandler, AZ, US – Chandler Center for the Arts, San Juan Capistrano, CA, US – The Coach House) at August (Tucson, AZ, US – Rialto Theatre).

Kaya habang sinusulat namin ang balitang ito ay kasalukuyang nasa Pilipinas si Arnel para magbakasyon bago sumalang sa world tour ng Journey.

Ang tanong ay makakasama kaya si Arnel sa world tour na ito dahil sa kasalukuyan niyang kalagayan.

Base sa report ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” vlog nila nina Wendell Alvarez at Romel Chika ay pinayuhan ng doktor si Arnel na magpa-opera.

“Tinuturing nating national treasure si Arnel Pineda ibinigay ‘yan dati ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (titulo), pero ngayon po mayroong heart breaking news nadiskubre po, may diagnosis po kay Arnel Pineda na mayroon po siyang vocal crisis.

“Ang sabi ng doktor na tumingin sa kanya ‘yung kakanta niya na puro soaring notes matataas-matataas,” bungad na kuwento ni ‘Nay Cristy.

Ang dating bokalista ng Journey na si Steve Perry na katimbre rin ng boses ni Arnel ay nilisan ang grupo dahil sa health issues at personal.

“Naalala mo ilang buwan na ang nakararaay ay sumablay siya (Arnel) sumabit (pinakita ang video ng show sa Brazil na hindi nito naabot ang tono ng Stop Believin’). Doon palang siguro ay nagsisimula na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by arnel c. pineda (@arnelpineda2007)


“Ito po ang pinoproblema ng band leader ng Journey dahil paano na ang kanilang world tour paano na ang kanilang mga gigs. Walang magbo-bokalista?” kuwento ni ‘nay Cristy.

Hirit ni Romel Chika, “Oo kasi kabuhayan nila ito.”

Susog din ni ‘Nay Cristy, “Of course kung walang Arnel Pineda sinong magiging bokalista? E, siya’y tinanggap na (lahat).  Naalala mo nu’ng sumablay lahat sila dumidepensa kay Arnel, mahal siya at natanggap na siya ng buong mundo bilang bagong bokalista talaga ng Journey at hindi naman tayo ipinahiya ni Arnel Pineda ang galing-galing niya.

“Hindi ko alam kung siya ay ooperahan na agad-agad o kung makakakanta pa ba siya? ‘Yun ang mga tanong, eh na makakanta pa ba pagkatapos ng operasyon.

“Makukuha ba sa medication ito? Pero sinabi ng doktor alam mo ‘yung gastado na ‘yung kanyang vocal chords di ba, dahil sa soaring notes na kinakanta niya,” aniya pa.

Say naman ni Romel Chika, “Naririnig ko na dapat may training ‘yan kung paano niya hahagurin nang tama.”

Hirit ni ‘Nay Cristy, “Di ba, ang mga singers, kunwari sina Von Jovi, si Rod Stewart di ba may hagod sila na sinusundan sa diaphragm, may Teknik, may nanggagaling sa balakang dito (turo sa tenga) kaya nagpa-falsetto ‘yung iba, di ba?”

Sinang-ayunan naman ni Romel Chika ang mga sabi ni ‘Nay Cristy bilang isa rin siyang mang-aawit sa comedy bars.

“Kaso si Arnel bigay kung bigay talaga.  Alam mo naman si Steve Perry siya ‘yung orihinal, e, siyempre dumikit na doon si Arnel tanggap na siya at idol niya si Steve Perry kaya naman plakado niya ‘yung boses ‘yung boses ng idolo niya,” tsika pa ni ‘Nay Cristy.

Bukod sa vocal crisis na dinaraanan ngayon ni Arnel ay may personal pa siyang pinagdadaanan na duda ng iba ay nakadagdag ito sa stress ng lead vocalist ng  Journey.

“Ito pa, may isyu pa na isa sa dahilan kung bakit inabot ng depresyon itong si Arnel. Di ba, ang balita personal?  Napakapersonal. Nagkaroon siya ng problemang pangkanya lang siguro kasi hindi naman siya nagsasalita.

“Pero ayon sa kuwento ay walang naiwan sa kanyang mga pinagpaguran dahil nakuha ng kanyang kapareha.  Wala naman tayong naririnig dahil pribado ‘yun, pero ‘yun ang lumulutang.  Nakadagdag siguro sa depresyon ‘yung ganyan, stress!” malungkot na kuwento ni ‘Nay Cristy.

Hirit ni Romel Chika, “Biruin mo sa tagal mong nagtatrabaho?”

“Bigyan natin ng panalangin si Arnel Pineda na operahan man siya makabalik pa rin siya sa pagkanta at kung kaya itong gamutin sana dahil nakakapanghinayang naman, national treasure Pilipino,” pahayag ni Nay Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ipagdarasal ka namin, Arnel Pineda,” saad naman ni Romel Chika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending