Arnel Pineda nag-sorry sa Brazil performance, aalis na sa Journey

Arnel Pineda nag-sorry sa Brazil performance, lalayasan ang Journey

Ervin Santiago - September 23, 2024 - 03:26 PM

Arnel Pineda nag-sorry sa Brazil performance, lalayasan ang Journey

Arnel Pineda

DISMAYADO ang international Filipino singer na si Arnel Pineda sa naging performance niya sa naganap na Rock in Rio Music Festival sa Brazil.

Dahil dito, handa raw siyang mag-quit o umalis sa American band nilang Journey kung gugustuhin ng kanyang mga kabanda.

Viral na ngayon ang video kung saan mapapanood ang performance ni Arnel at marami nga ang nakapansin na hirap na siyang abutin ang matataas na tono ng kanta nilang “Don’t Stop Believin”.

Sa kanyang Facebook page, nag-sorry si Arnel sa kanyang mga supporters at sa lahat ng mga nakapanood sa naging performance niya sa naturang music fest.

“Once again, (thank you) so much everyone who came to @journeyofficial show since February this year.

Baka Bet Mo: Arnel Pineda nagsalita na sa isyu ng mga miyembro ng Journey: ‘They can fire me anytime…’

“I appreciate (you all), and not only that, every time that I’m on stage (with) the band, I feel this immense gratitude, humility, and honor. I am very aware of this.

“No one more than me in this world feels so devastated about this,” ang mensahe ni Arnel kalakip ang link ng video ng kanyang performance.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by arnel c. pineda (@arnelpineda2007)


Kasunod nito, tinanong niya ang kanyang fans kung dapat pa ba siyang mag-stay sa kanilang grupo o kailangang mag-quit na sa Journey.

“Mentally and emotionally, I’ve suffered already and I’m still (suffering). But I’ll be okay. So here’s the deal here now.

“I am offering you a chance now (especially those who’ve hated me and never liked me from the very beginning) to simply text GO or STAY right here,” aniya.

Kapag daw umabot sa 1 million ang mga taong gusto na siyang umalis sa grupo ay susundin niya.

“And if ‘Go’ reaches 1 million, I’m stepping out for good… God bless all of you and thank you once again to all of the fans and friends who believed in me since Day 1,” sabi pa ni Arnel.

“God bless all of you and thank you once again to all of the fans and friends who believed in me since Day 1,” dagdag na mensahe pa ng Pinoy singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Arnel Pineda ang pumalit kay Steve Perry bilang frontman ng Journey noong 2008.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending