Kenneth Hizon nagpakatotoo, type manligaw kay Kathryn Bernardo

Kenneth Hizon nagpakatotoo, posibleng manligaw kay Kathryn Bernardo

Reggee Bonoan - April 13, 2025 - 12:22 PM

Kenneth Hizon nagpakatotoo, posibleng manligaw kay Kathryn Bernardo

Kathryn Bernardo at Kenneth Hizon

SINGLE na single ngayon ang doktor na si Kenneth Hizon na sinasabing first ever crush ni Kathryn Bernardo noong Grade 2 sila sa Flowerlane Montessori Children’s House sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Kaya naman hindi imposibleng magkaroon ng chance na mag-reconnect ang dalawa at mauwi sa ligawan.

Sa ikalawang bahagi ng panayam kay Doc Kenneth ni Von Belinario ng News5 ay natanong kung may plano ba siyang gumawa ng move para mag-reconnect sila ni Kathryn at magkaligawan.

“Of course, yes, yes,” nakangiting sagot ng binata.

Dagdag pa niya, “Hindi natin alam kung anong puwedeng mangyari sa mga susunod (na araw).”

Hindi naman itinanggi ng binatang doktor na sinusuportahan niya si Kathryn sa mga projects nito at proud siya sa narating ng aktres sa buhay.

Aware pala si Doc Kenneth sa mga nagsasabing sumasakay lang daw siya sa kasikatan ng aktres.

“Hindi ko gagamitin si Kathryn sa pagiging famous kasi siyempre may pinagsamahan naman kami kahit nu’ng bata kami,” nakangiting sagot nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ano ang mensahe niya sa kanyang first crush? “Hello Kath (nag-isip muna), I’m hoping to meet you and if your busy time will allow us, I’m hoping to catch up with you.”

Smiling face si Doc Kenneth dahil simula ng panayam sa kanya ay hindi nawala ang ngiti niya kahit isang segundo lang at halatang dinadaga ang dibdib ng binata.

Sa mga nagsabing gagamitin ni Doc Kenneth ang kasikatan ni Kathryn ay parang hindi naman dahil unang-una ay may sariling career din naman ang binatang duktor, may breeding at guwapo’t mestizo base sa paglalarawan ng dalaga.

Hayan Kathryn, ikaw na ang tinanong ngayon ni Doc Kenneth kung kailan ka available para mag catch-up kayo.

Samantala, botong-boto ang netizens sa binata para kay Kathryn at narito ang ilan sa nabasa namin sa mahigit 300 komento.

“Si Dr. Halatang kinikilig push mo yan Dr.”

“Mas maganda pa non-showbis maging bf ni Kathryn.”

“Kinilig naman ako,bagay sila ni Kath..Napangiti ako habang pinapanood interview kay doc.”

“Gwapo at mukhang mabait c Doc.”

“Kinilig nman ako dun! Hanggang tenga ang ngiti ko!”

“Edukado, Titulado, Professional Doctor, Gwapo at tipong Nice Gentleman!…non-showbiz!…sya ang dapat sayo Kath!”

“Mas bagay pag nagkataon look c Donna Cruz doc Din asawa sana Kath c doc na.”

“Super kilig.  Sana mag meet sila KMJS na Yan.”

“Ako ang excited…happy ako pag nktuluyan sila. mlayo s intriga kc iba naman s doc. Kenneth… daniel wag ng umasa.”

“Hoyyyyyy bakit ako kinikilig HAHAHA.”

“Mukhang mabait at understanding na partner si Doc hehe bagay sila.”

“OMG matapang at honest sya. Wow.”

May naligaw naman na supporter ni Alden Richards sa comments section na nagsabing, “Kilig to the bones nman s doc! Pero mas gusto ko pa rin s Alden mas bagay at dekalidad at kita m nman n hindi rin pahuhuli s soyti nasa kanya n kc lahat Alden is perfect walang makakatalo!”

“Baket kini kilig ako hahaha laban na Kath, maganda naman din work ni Kenneth.”

“Professional din naman kc doctor , bagay sila..”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kay doc kna Kath secured kana jan kung gusto mo na tahimik na relasyon wag kna sa artista cute dn nman ni doc.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending