Heart, Pia umariba sa pagiging ‘top celebrity’ sa fashion week

Heart Evangelista, Pia Wurtzbach
MUKHANG walang makakapigil sa fashion supremacy nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach!
Ang dalawa ay umariba sa Paris at Milan Fashion Weeks ngayong taon na kinilala bilang top-performing celebrities, base sa Media Impact Value (MIV).
Sa bagong datos na inilabas ng Launchmetrics, si Heart ang nanguna bilang Top Celebrity sa 2025 overall landscape ranking ng Milan Fashion Week, habang pumangalawa naman si Pia.
Ayon sa report, nag-generate si Heart ng $8.7 million o mahigit P499 million MIV.
Baka Bet Mo: Heart Evangelista sa mga traydor: Sobrang sakit…they killed me!
Samantalang si Pia naman ay nakalikom ng $6.7 million o halos P385 million MIV, dahilan para itaas ang bandera ng Pilipinas sa international fashion scene!
Pero wait, there’s more! Hindi lang basta pasok sa rankings ang ating mga fashion queens.
Tinalo pa nila ang K-pop idol na si Karina ng aespa, Korean actor na si Byeon Woo-seok, at Thai star na si Kanawut Traipipattanapong.
Sa Top Voices overall category naman, nakuha ni Heart ang ikatlong puwesto habang panglima si Pia.
Ang ilan sa mga brands na nagbigay ningning sa rankings na ito ay mga luxury fashion houses na super bongga.
Hindi pa diyan natatapos ang fashion flex ni Heart!

PHOTO: Screengrab from Launchmetrics
Sa overall landscape ranking ng Paris Fashion Week, pumangatlo siya na may $11.9 million o halos P683 million MIV na kasunod ng Thai stars na sina Kornnaphat Sethratanapong at Lingling Sirilak Kwong na nasa first at second place.

PHOTO: Screengrab from Launchmetrics
Maaalala sa 2025 Paris Haute Couture Week, si Heart ang number one at natalo pa ang BLACKPINK members na sina Jennie at Jisoo.
Hindi talaga nagpapahuli sina Heart at Pia sa fashion industry.
Last year, si Heart rin ang nanguna sa Paris Fashion Week celebrity rankings na may $10.6 million o higit P608 million MIV, habang si Pia naman ay nasa ikatlong puwesto na may $7 million o higit P401 million MIV.
At kung sa Spring/Summer 2025 edition, nakuha ni Pia ang pang-apat na pwesto na may $7.59 million o halos P436 million Earned Media Value (EMV).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.