Marian Rivera hindi basta mananahimik kapag nagselos

Marian Rivera hindi basta mananahimik ‘pag nagselos: My God, napakaipokrita nu’n!

Ervin Santiago - March 24, 2025 - 12:30 AM

Marian Rivera hindi mananahimik 'pag nagselos: My God, napakaipokrita nu'n!

Bela Padilla, Marian Rivera, Dingdong Dantes at Heart Evangelista

SELOSA, pero nasa lugar ang pagseselos. Ganyan inilarawan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang kanyang sarili.

Inamin ni Marian na talagang selosa siya noon pero hindi raw siya basta nagseselos nang walang dahilan at walang sapat na ebidensiya.

Kapag may kakaibang feelings siya sa mga babaeng nakakausap o nakakasalamuha ng asawa niyang si Dingdong Dantes ay hindi siya basta-basta mananahimik at dedma lang.

“Nasa lugar (ang pagseselos). Very transparent. Sayang nga, e, kung puwede ko lang i-rewind, di ba?” ang pahayag ni Marian sa panayam ni Karen Davila para sa Women’s Month Special vlog ng broadcast journalist sa kanyang YouTube channel.

Pagkumpirma ni Karen kay Marian, “So selosa ka noon?”

“E, kasi may dahilan. Ang babae, hindi magseselos kung walang dahilan. Nature ng babae iyan.

“Kapag may nakita kang alanganin na ginagawa ng babae doon sa partner mo, alangan naman na (palakpakan mo pa), ‘Ang galing, ang sweet nila together, o, kinikilig ako.’

“My God napakaipokrita nu’n. No, no, no for me. Kapag may sitwasyon na nakikita mong alanganin, magre-react ka talaga,” saad ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Ang mali lang daw niya noon, super react agad siya sa mga pinagselosang babae nang hindi muna kinakausap si Dingdong, “Ayun lang, nagre-react agad ako doon sa babae. Dapat pala kay Dong ako nagre-react.”

Walang binanggit na mga pangalan si Marian ng mga babaeng pinagselosan niya noon pero naka-move on na siya at napatawad na ang mga ito.

“Kapag nakikita ko sila, naiilang sila kasi alam nila yung sitwasyon kung bakit ko ginawa iyon sa kanila.

“Pero ngayon, kapag nakikita ko, I’ll try to be civil. May isa ngang pagkakataon, ako na yung nag-initiate na, ‘Pinapatawad na kita.’ Tapos naloka siya.

“Ang punto ko kasi sa buhay, sobrang happy ako sa ibinigay ni Lord sa akin, wala nang dahilan para yung bitterness ko, nandito pa. Ni-let go ko na iyan.

“Sa isip-isip ko na lang, ‘Learn your lesson girl, ha, huwag mo nang gawin iyon sa iba.’ Pero ayun nga, mas masarap pa rin na wala kang kaaway, pinapatawad mo yung mga taong nakagawa sa iyo ng kasalanan,” paliwanag ni Marian.

Base sa mga report noon, ilan sa mga female stars na pinagselosan umano ni Marian ay sina Heart Evangelista. Bela Padilla, Rhian Ramos at Andrea Torres. Pero ang isyu sa kanila ni Heart ang talagang pinagpiyestahan.

Nagkatrabaho sina Yanyan at Heart sa pelikulang “Temptation Island” noong 2011 at pagkatapos nilang gawin ang movie ay natsismis na nga ang kanilang hidwaan.

Ngunit dinenay agad ito ni Heart sa kanyang tweet noong June 11, 2011, “Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, wag na tayo mag-away-away.”

Pero may chika nga na nagkaroon ng nakakalokang eksena sa airport sa Manila noong June 13, 2011, kung saan sinigawan daw ng nanay ni Heart na si Cecile Ongpauco si Marian.

Magkasama raw sina Heart at Marian at iba pang cast ng “Temptation Island”, sa Paoay, Ilocos Norte, kung saan kinunan ang ilan pang eksena sa pelikula.

Pagdating sa airport ay lalapit daw sana si Marian kay Heart para magpaalam ngunit bigla na lang daw siyang sinigawan ng nanay ni Heart.

Ang dialogue umani ni Mrs. Ongpauco, “Stay away from my daughter!” Dahil dito, napaiyak na lang daw si Marian.

Base sa kuwento, napikon daw si Marian kay Heart nang paulit-ulit nitong sinasabi na excited na siyang maka-partner sa isang project si Dingdong, na boyfriend pa lang ni Marian nu’ng panahong yun.

Nagsumbong daw si Heart sa kanyang nanay kaya nang dumating sa airport si Heart, may mga bodyguard na sumalubong sa kanya. Balitang nagkaayos lang ang dalawang aktres noong 2023.

Naging usap-usapan din noon sa showbiz ang umano’y away nina Marian at Bela Padilla nang magsama ang huli at si Dingdong sa seryeng “Endless Love. Si Marian ang leading lady ni Dingdong sa programa.

Ang chika, na-bad trip si Marian kay Bela dahil talagang idinidikit daw ng huli ang kanyang boobs kay Dingdong kapag may mga eksena sila na kailangang magyakap.

Pero dinenay ito ni Bela sa isang panayam noong August, 2010, “Hindi ko po alam kung saan nanggaling ang balitang iyon. But how can you hug a person without touching him?

“Ako naman po, ginagawa ko lang kung ano ang utos sa akin nina Direk Mac Alejandre at Direk Andoy Ranay.

“Minsan nga kapag nakikita nilang parang naaalangan ako, sinasabi nilang yakapin ko si Dingdong. Hindi naman kasi kami bago lang nagkakakilala sa story, fiancée ako ni Johnny (Dingdong) at malapit na kaming ikasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’m just playing what the role asks of me. Kaya naman after ng aming take, lumalayo na ako kay Dingdong. Hindi na ako nakikipag-usap sa kanya,” paliwanag pa ni Bela.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending