Marian Rivera hinihiritan na ng bagong baby ni Dingdong Dantes, ready na ba?
MAGKAKAROON na nga ba ng baby number 3 ang Kapuso celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes?
Sa kanyang naging panayam sa Kapamilya broadcaster na si Karen Davila na mapapanood sa YouTube channel ng huli, napag-usapan nila ang buhay ngayon ng aktres bilang ina at asawa.
“Ito talaga ang pangarap ko. Mag-alaga ng anak, magpa-dede ng anak, magsilbi sa pamilya na pinapangarap ko talaga,” saad ni Marian.
Nausisa naman siya kung ano ang dapat gawin ni Dingdong para magkaroon sila ng baby number 3.
Baka Bet Mo: Dingdong Dantes ibinandera ang bagong ‘baby’, Marian Rivera excited na
View this post on Instagram
“Wala. Wala siyang dapat gawin. Parang si Dong kasi, hindi ka mahihirapan just in case magbuntis ulit ako. Ako yung buntis na hindi nahihirapan kasi all the way nandyan siya. As in sobra, ang OA,” pagbabahagi ni Marian.
Amin pa niya, gusto raw ng asawa na magkaroon na ng bagong kasapi ang kanilang pamilya.
“Gusto niya eh. Gusto pa niya. Sabi niya, ‘Please one more, one more’. So nandun ako sa 50-50 ko ngayon dahil gusto ko ng marami talagang anak,” sey ni Marian.
Ngunit torn daw siya kung maibibigay nga ba niya ang 100 percent niya sakaling mas lumaki oa sila
“Pero sabi ko nga kay Dingdong, gusto ko ng maraming anak but iniisip ko kaya ko bang ibigay ’yung 100 percent ko sa inyong lahat. Kasi dalawa ’yung anak ko, si Dingdong, ako, ngayon kung magbe-baby pa ulit ako, kaya ko bang hatiin ang katawan ko na lahat kayo ay magagampanan ko ng 100 percent,” sey ni Marian.
Naiintindihan naman daw ni Dingdong ang kanyang hesistation at ang desisyon ay nasa kanya ngunit vocal lang si Dong na nais niya nang madagdagan sila.
“Sabi ni Dingdong kung ano ’yung nasa puso mo hindi kita pipilitin but if you will ask me I want one more,” dagdag pa ni Marian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.