Dingdong Dantes ibinandera ang bagong ‘baby’, Marian Rivera excited na
MATUTUPAD na ang wish ng Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na magkaroon ng “tambayan” na malapit sa school ng kanilang mga anak.
Kinumpirma ng award-winning TV host-actor na magkakaroon na siya ng bagong “baby” very soon — ang sarili niyang franchise ng sikat na restaurant na kanyang ine-endorse.
Ito ang good news na ibinahagi ng husband ni Marian sa muli niyang pagre-renew ng kontrata bilang celebrity ambassador ng Mesa Restaurant kahapon, February 20.
Nakasana sa contract signing ang talent manager niDingdong na si Perry Lansigan, MESA’s chief executive officer, Rikki Dee, chief operating officer Eric Dee, at ang vice president for national operation na si Raymond Federigan.
Baka Bet Mo: Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 2 lang talaga, OK na rin
May 80 branches na ang naturang resto at ngayong 2025 inilunsad ng naturang resto ang kanilang “Road to 100” campaign, at ayon kay Dong, siya raw ang magiging owner ng 88th branch nito na posibleng maitayo this year kung maaayos agad ang lahat ng kailangan.
“Para sa akin, mas espesyal ang signing na ito dahil for me, it also signifies officially my inclusion do’n sa history ng resto as a brand.
“Dahil napag-usapan namin a couple of years ago, kapag tama na ang opportunity, eh siyempre, bilang proud Ambassador, eh kailangan talagang meron akong physical evidence na parte talaga ako.
“So, I just wanna announce and also tell everyone na I will soon be one of the proud partners of branch 88 ng Mesa which will be announced very, very soon ang ating location,” saad ni Dingdong.
Hindi pa nabanggit ng Kapuso superstar ang eksaktong lugar ng bago niyang business pero sana raw ang makuha nila ni Marian na lugar ay malapit lang sa school nina Zia at Sixto.
“Sana malapit du’n ang mahanap natin para maging tambayan namin ni Marian ‘yun kapag nag-aantay kami (sa pag-uwi ng mga anak,” sey ni Dong.
Tulad niya ay super excited na rin daw si Marian sa bago nilang “baby” dahil alam naman daw ng lahat na hilig din talagang magluto ng kanyang wifey. In fact, tinanong nga raw siya nito kung pwedeng mag-suggest ng menu.
Sey ng host ng “Family Feud”, ultimate favorite niya ang menudo ni Marian na minana pa niya ang recipe sa kanyang lola kaya sana ay madagdag ito sa menu ng bubuksan nilang restaurant.
“Para sa akin, very memorable nu’ng unang beses akong nilutuan ni Marian ng kanyang menudo. Dahil ano ‘yan, eh, recipe pa ‘yun ng kanyang lola.
“So, ikinuwento niya sa akin ‘yung history ng kanyang menudo. Sabi ko, wow, napakasarap. So, ‘yun yung parati kong nire-request sa kanya,” sey pa ni Dong tungkol sa menudo ni Marian.
Samantala, ayon kay Chief executive officer Rikki Dee perfect si Dingdong na maging ambassador ng kanilang resto for six years now.
He embodies daw a typical Filipino person and described him as “tall, dark, and handsome.” At napakalaki raw talaga ng naitulong nito sa paglago ng Mesa.
Ipinagmalaki pa niya ang pak na pak na “Dingdong Dantes Boodle” na isa na ngayon sa mga binabalikan ng kanilang mga customers all over the country.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.