Marian Rivera insecure sa pagsasalita ng English; Zia Dantes British accent

Marian Rivera, Dingdong Dantes at Zia Dantes
AMINADO ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na marami rin siyang naging insecurities sa kanyang katawan at personality.
Isa na nga riyan ang kanyang height at ang pagsasalita ng English mula nang mapunta siya sa Maynila para mag-aral at magtrabaho.
Inisa-isa ni Marian sa panayam sa kanya ng Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila para sa YouTube channel nito, ang mga ikinaka-insecure niya noong kabataan niya.
Unang-una na nga riyan noong panahong sumasali pa siya sa mga beauty contest, “Before kapag sumasali ako ng pageant palaging ako ‘yung pinakamaliit.”
Nako-conscious din daw siya noon sa kanyang balakang, “Minsan kasi feeling ko pagnaka-dress ako feeling ko sobrang laki ng balakang ko sabi ko, hello Spanish blood! Ha-hahaha!”
Bukod mga rito, isa pa sa insecurity ng wifey ni Dingdong Dantes ang pagsasalita ng English lalo na noong lumuwas na siya ng Manila from Cavite.
“Siguro ‘yung pagsasalita ng English kasi very big deal ‘yan sa atin ngayon, eh. Pero kasi ako hindi naging problema sa akin ‘yun eh, kasi sa Cavite parang hindi naman kami English-speaking du’n.
View this post on Instagram
“Kahit naman sa school namin hindi naman nagi-English lahat. Nu’ng nagpunta lang ako sa Maynila, parang you need to be fluent in English, and we have interview,” pag-amin ni Yanyan.
Nagpapasalamat siya kay Dingdong dahil sa pagiging supportive and understanding nito sa kanyang sitwasyon.
“Actually minsan si Dong ‘Kapag nag-uusap kaming dalawa, parang nasasabi ko ‘yan sa kanya.
“Alam mo kaya sobrang love ko ‘tong asawa ko, sabi niya, ‘No, mahal ka namin bilang ikaw, hindi mo kayang baguhin. But you can improve yourself if you really want to be fluent in English,'” pagbabahagi pa ni Marian.
Open naman daw siyang mag-aral para mas maging fluent sa pagsasalita ng English pero sey ng aktres, “Parang okay na ako na ganito ako kasi ito talaga ‘yung komportable ako.”
Pagpapatuloy pa niya, “Sabi ko nga sa anak ko, anak ‘yung weakness ko ikaw na sumalo. Kasi ‘yung anak ko grabe as in super fluent in English with British accent, as in grabe.
“Sabi niya, ‘Just put my things in the bin.’ (Tanong ko), ‘Anong bin?’ ‘Yun pala cabin. Oh my God Zia! Ang dami kong natututunan sa anak ko, as in,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.