Tanong ni Dingdong sa Family Feud nag-trigger ng okrayan sa Facebook

Rodrigo Duterte at Dingdong Dantes
PAK na pak sa mga netizens ang naging question ni Dingdong Dantes sa nakaraang episode ng Kapuso game show na “Family Feud“.
Sandamakmak na reaksiyon ang nakuha ng ipinost ng GMA Network sa social media sa tanong kung anong sasakyan ang ginagamit kapag may suspek na inaaresto.
Ang mababasa sa art card na naka-post sa official Facebook page ng GMA, “Sa Pilipinas, ang suspek na inaaresto ay isinasakay sa…”
Ang pagpipiliang option ay letter A: police car, at sa letter B: eroplano. May mga naaliw sa tanong pero meron ding nambasag dito at hindi nagustuhan ang question ni Dong.
Narito ang mga reaksyon at sagot ng mga Facebook users.
“DDS na ako, as in Dingdong Dantes Supporter hahaha.”
“Problema n’yo?”
“May mga feeling n nman sila pnatatamaan. Ganunpaman, bato-bato sa langit, tamaan sana magising nman!!!”
“Daming iiyak, tatamaan, at magpi-people power nyan sa facebook hahahaha!”
“Eroplano po..gaya sa ginawa nila sa dating presidenti duterte.”
“Police car, then eroplano. Tapos kung lulusot, wheelchair.”
“May bago na ngayon mainit init pa EROPLANO!!”
“GMA, pati writers niyo bangag na rin.”
“Hype ka dingdong, sa dami dumagdag ka pa!”
“Daming galit na galit, inaano ba kayo? HAHAHAHAHA!”
Ang hugot ng ilang netizens, nagpapaka-politika raw ang “Family Feud” dahil obvious naman daw na konektado ang question ni Dingdong sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasalukuyang naka-detain si Duterte sa International Criminal Court (ICC) facility sa The Hague, Netherlands sakay ng private plane noong March 11.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.