Ai Ai delas Alas ‘di tanga sa pag-ibig, napunta sa maling tao
AMINADO ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na isang maling desisyon ang ginawa niyang pagpapakasal sa kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan.
Sa kanyang naging panayam kay BB Gandanghari na ipinalabas sa YouTube channel ng huli ay natanong ang actress-comedienne kung ano sa tingin niya ang misconception tungkol sa kanya ng mga tao.
Chika naman ni Ai Ai, marami ang nakakakilala sa kanya bilang mabuting ina ngunit tanga sa pag-ibig.
Ngunit agad niyang pinabulaanan ang chikang ito.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin kinukulit ng netizens, may galit ba kay Ai Ai delas Alas?
View this post on Instagram
“Hindi ako tanga. Nagkataon lang na napupunta ako sa hindi tamang tao para sa akin. Kasi kung tanga ako, hindi kami aabot ng ten years,” saad ni Ai Ai.
Dagdag pa niya, “Nagkataon lang siguro na hanggang do’n lang and mayr’on pala siyang ibang agenda, o mayr’on pala siyang iba na nagustuhan, o may iba pala siyang gusto sa akin.”
Kaya naman aminado si Ai Ai na mali raw talaga ang kanyang naging desisyon na pagpapakasal rito sa una pa lang.
“Kumbaga, una, pinanindigan ko na lang, and parang gusto kong ipakita sa buong mundo na age doesn’t matter But it matters,” sey ng aktres.
November 2024 nang aminin ni Ai Ai sa mismong birthday niya na hiwalay na sila ni Gerald matapos ang mahigit sampung taong pagsasama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.