Cristy Fermin kinukulit ng netizens, may galit ba kay Ai Ai delas Alas?

Ai Ai delas Alas at Cristy Fermin
MAY galit nga ba ang premyadong entertainment columnist at radio-TV host na si Cristy Fermin kay Comedy Queen Ai Ai delas Alas?
Iyan ang tanong ng ilang tagasuporta ni Nanay Cristy dahil madalas daw nitong binabanatan at pinipitik si Ai Ai sa kanyang online show.
Nagsalita ang veteran columnist sa nakaraang episode ng “Cristy Ferminute” at nilinaw niya na mas nalulungkot daw siya para sa komedyana kesa nagagalit.
“Alam n’yo po, hindi ko po pwedeng gamitin ‘yong salitang ‘galit ako.’ Mas gusto ko pong piliin ‘yong salitang ‘nalulungkot ako,’” pahayag ni Nanay Cristy.
Dagdag pa niya, “Nalulungkot ako sa kaniyang mga ginagawa ngayon dahil nakikita ko ‘yong balik sa kaniya ng mga komentong nababasa ko.
Baka Bet Mo: Lolit Solis sa naghahanap kay Angel Locsin: Ang tagal na niya sa limelight, ngayon ang panahon para sa sarili niya
“Nakikita ko na hindi makagaganda sa kanyang karera ‘yung pagiging bitter niya,” ang punto pa ng beteranang host.
Sey pa ni Nanay Cristy, “Nakakalungkot po ang gano’n. Pinipitik po talaga para magising pero ‘yong galit, wala sa puso ko ‘yan. Kasi, nakilala rin naman si Ai Ai noon ng mahabang panahon.”
View this post on Instagram
Matatandaan na naging usap-usapan ng madlang pipol ang paghihiwalay ni Ai Ai at ng estranged husband nitong si Gerald Sibayan. Mismong si Gerald daw ang nakipaghiwalay sa kanya sa pamamagitan lamang ng chat.
Mas lalo pang umingay ang breakup ng dating married couple nang isapubliko ni Ai Ai ang tungkol sa pagiging “cheater” ng asawa. Sinundan pa ito ng mga post niya sa Facebook tungkol sa umano’y third party sa nasira nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Sabi naman ni Nanay Cristy, hinahanap niya kay Ai Ai kung kailan nito matatanggap ang katotohanang hiniwalayan na siya ni Gerald na nananatili lamang tahimik sa kanilang paghihiwalay.
“Siya lang naman itong atake nang atake,” ang sey pa ni Nanay Cristy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.