Sugar Mercado umamin sa relasyon nila noon ni Willie Revillame

Sugar Mercado umamin sa relasyon nila noon ni Willie Revillame: Oo! 7 taon kami!

Pauline del Rosario - March 29, 2025 - 11:10 AM

Sugar Mercado umamin sa relasyon nila noon ni Willie Revillame: Oo! 7 taon kami!

Sugar Mercado, Willie Revillame

MATAGAL nang usap-usapan ang kung ano nga ba talaga ang real score noon nina Sugar Mercado at Willie Revillame

Sa isang panayam sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, muling binasag ni Sugar ang katahimikan at sinagot ang matagal nang tanong ng publiko: Ano nga ba talaga sila ni Willie?

“Hindi ako sure! Hindi naman siya umamin eh!” natatawang sagot ng dating SexBomb dancer.

Dagdag pa niya, “Ang kapal ng mukha ko, [kung] aamin ako – hindi naman siya umamin.”

Baka Bet Mo: Willie Revillame hugot na hugot: ‘Tama sila, wala nga akong alam…’

Biro pa niya habang tawang-tawa, “Hindi ako sure, baka mamaya nag-bonding lang kami.”

Pero sa tanong kung ilang taon silang nagkasama, diretsahang sagot ni Sugar: “Oo! Pitong taon kami!”

Nag-follow up naman ang showbiz insider at inusisa ang TV host-dancer, “So hindi mo lang sure kung aamin ‘yung isa?”

Ang sey ni Sugar, “Hindi, kasi siyempre nakakahiya naman kung ako lang ‘di ba? Siyempre, kababae kong tao. Siyempre may heart din ako… And okay naman ‘yun kasi alam mo namang pribado siya masyado.”

“At sabi ko nga, never akong nagsisi sa lahat ng nangyari sa life ko. At aminado rin naman ako na minahal ko talaga ‘yung tao nang sobra pa,” sambit pa niya.

Kasunod niyan, inamin din ng OG SexBomb member na minahal din siya ni Willie, pati ang kanyang dalawang anak.

“Oo naman. Lalo na ‘yung dalawang anak ko at hanggang ngayon, hindi ‘yun maaalis sa buhay namin ng mga anak ko. Nasa puso na namin siya habambuhay,” chika ng celebrity mom.

Kahit nakatatak na si Willie sa kanilang puso, sinabi ni Sugar na matagal na silang walang komunikasyon.

Sa katunayan nga raw ay madalas tanungin ng kanyang mga anak kung kamusta na si Willie.

“Sabi ko sa kanila, busy siya. Alam mo ‘yun, focus siya sa mga ginagawa niya ngayon…and wala naman akong masasabing hindi maganda sa kanya kasi minahal niya talaga ‘yung mga bata,” pag-amin niya.

Sa ngayon, isinara na ni Sugar ang kanyang puso pagdating sa lovelife.

“Kung tatanungin ako, hindi na ako naghahanap. Okay na ako sa mga anak ko. Kuntento na ako sa kanila,” pagtapat niya sa showbiz insider.

Bandang huli, nagpaabot ng payo si Sugar para sa mga single moms na tulad niya.

“‘Yung mga bata, hindi nila kasalanan na lumabas sa mundo. Pinili natin ‘yun kasi nagmahalan tayo nu’ng umpisa. Tapos maghihiwalay tayo, wala silang kinalaman doon,” lahad niya.

Patuloy pa niya, “Nu’ng naging single mom ako, ang hirap. Pero walang imposible kapag tama ang disposisyon mo sa buhay. Kasi tayo ‘yung huwaran nila eh. Kaya talagang ingat na ingat din ako.”

Noong 2011, naging bahagi si Sugar ng “Willing Willie” (na kalaunan ay naging “Wil Time Bigtime”) kasama si Willie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong 2017, bumalik siya sa showbiz sa sitcom na “Hay, Bahay!” at muling nakasama si Willie sa “Wowowin” matapos ang limang taong pamamahinga sa showbiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending