Willie Revillame umalma sa mga nagsasabing wala siyang alam
INALMAHAN ng TV host at negosyanteng si Willie Revillame ang mga paratang sa kanya ng mga tao na wala siyang alam sa batas para tumakbo bilang senador sa paparating na 2025 midterm elections.
Sa isang press conference nitong Biyernes, February 21, natanong ang TV host kung ano ang kanyang campaign strategy ngayong pasok siya sa four to twelve senators sa survey.
Ani Willie, 27 years na siyang nakikinig at saksi sa mga hinaing ng mga Pilipino at ito na raw ang tamang panahon para sa kanya na tumakbo at pasukin ang mundo ng politika.
“27 years na akong nakikinig sa kanila, nakikiramdam kung ano ang dapat gawin. And I guess this is the right time for me.
Baka Bet Mo: Pagbibigay ni Willie Revillame ng P1-M kay Rufa Mae inireklamo: Baket?
View this post on Instagram
“Ito na ang tamang panahon para magawa ko na ang gusto kong pagtulong sa kanila not just in the studio,” pagbabahagi ni Willie.
Dagdag pa niya, “Hindi lang pagbibigay ng jacket, pagbibigay ng cellphone, ₱10,000, ₱20,000. Ito mas kailangan na ng mas malawak na pagtulong sa ating mga kababayan,”
Matapos nito ay nabanggit niya ang mga paratang sa kanya na wala siyang alam kaya dapat ay huwag na itong tumakbo sa pagkasenador.
“Sabi nga nila wala nga daw akong alam. Tama naman sila lahat eh, wala akong alam na mang-api ng kapwa ko. Wala akong alam na mang-isa ng bawat Pilipino. Wala akong alam na magnakaw.
“Ang alam ko lang ay makagawa ng kabutihan sa mga nangangailangan nating kababayan, which is ilang presidente na ang dumaan, ilang senador, ilang mayor, ilang congressman, eh 27 years na akong nakikinig sa mahihirap eh. Alam ko yung damdamin nila at galing din ako sa ganoong buhay,” giit pa ni Willie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.