Ogie bumanat sa kandidatong puro pagtulong pero wa plataporma

Ogie bumanat sa mga kandidatong puro ‘pagtulong’ pero walang plataporma

Ervin Santiago - March 10, 2025 - 09:52 AM

Ogie bumanat sa mga kandidatong puro 'pagtulong' pero walang plataporma

Ogie Diaz

BASAG  sa content creator na si Ogie Diaz ang ilang kandidatong tumatakbo sa iba’t ibang posisyon sa darating na May, 2025 midterm elections.

Pinatutsadahan kasi ng talent manager at online at TV host ang mga politiko na kumakandidato pero walang plano para sa bansa at puro pagtulong lang ang palaging sinasabi.

Matapang na ipinahayag ni Mama Ogs sa kanyang YouTube channel na “Ogie Diaz Showbiz Updates” na dapat ay kay kongkretong plataporma ang mga nais  maging senador.

Mahalaga aniya na malaman ng sambayanang Filipino ang mga gusto niyang gawing batas para sa ikauunlad ng mga mamamayan sa bansa.

“Doon ako nagpaparinig sa mga walang plano. Tumatakbo pero walang plataporma. Puro na lang pagtulong, ganyan. ‘Gusto ko lang makatulong, gusto kong buong Pilipinas matulungan,’” pahayag ni Ogie.

Ang punto pa niya, “Kapag gustong tumulong lang sa kapuwa at secondary lang ang paggawa ng batas, e, foundation ang dapat itayo. Wala namang pipigil sa inyo.”


Ngunit agad namang sinabi ni Mama Ogs na wala siyang partikular na kandidato na pinatutungkulan sa  kanyang mga sinabi, ito’y para sa lahat ng mga kumakandidato ngayong darating na eleksyon.

Wala mang binanggit na pangalan ang content creator, may mga nagkomentong netizens na mukhang para raw ito sa veteran TV host na si Willie Revillame.

Matatandaang marami ang pumuna at bumatikos kat Kuya Wil nang sabihin niyang huwag siyang madaliin sa pagbibigay ng kanyang mga plano para sa bayan sa pagtakbo niyang senador dahil first time mga niyang sasabak sa mundo ng politika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending