Anne Curtis, Alex Calleja, Ogie Diaz suportado si Bam

Anne Curtis, Alex Calleja, Ogie Diaz ibinandera ang suporta kay Bam

Ervin Santiago - March 06, 2025 - 12:50 AM

Anne Curtis, Alex Calleja, Ogie Diaz ibinandera ang suporta kay Bam

Alex Calleja, Bam Aquino at Anne Curtis

LANTARANG ibinandera nina Anne Curtis, Edu Manzano at Alex Calleja ang kanilang pagsuporta sa isang kumakandidatong senador para sa darating na midterm elections.

Nakuha ng independent senatorial candidate na si Bam Aquino ang suporta nina Anne, Edu at Alex na kaisa ng mga magulang at estudyante sa pagpapatupad ng libreng tuition.

Ibinahagi ni Alex sa X (dating Twitter) ang isang screenshot ng press release ni Bam sa website ng Senado na tumatalakay sa Free College Law.

“Bakit si Senator Bam Aquino? Libreng Tuition! Daig pa ang ayuda, kinabukasan ng inyong mga anak ang makikinabang! Pakisama po sa listahan niyo. Salamat,” ang caption ni Alex.

Ni-repost naman ito ni Anne na may caption na “Yes!!” bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Alex patungkol kay Bam.

Nagpahayag din ng suporta si Edu sa pamamagitan ng pagsali sa kampanya ni Aquino sa kanyang social media account.

Bukod sa kanyang pag-endorso, aktibo ring nangangampanya ang aktres na si Bea Binene para kay Bam. Kamakailan, sinamahan niya si Timi Aquino, asawa ni  Bam, sa isang house-to-house campaign sa Cebu City upang direktang ipaalam sa mga botante ang tungkol sa Free College Law at iba pang mga adbokasiya ng dating senador.

Samantala, nagpahayag na rin ng suporta kay Bam ang beteranong talent manager at entertainment reporter na si Ogie Diaz.

Sa kanyang YouTube show na “Ogie Diaz Showbiz Update,” inihayag ng talent manager na kabilang si Bam sa kanyang mga ibobotong senador sa darating na halalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending