Alex Calleja tinanggap na ang sorry ni Chito Francisco: Let’s move on
TINANGGAP na ng stand-up comedian na si Alex Calleja ang ginawang public apology ng comedy writer na si Chito Francisco.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang kopya ng inilabas na pahayag ng comedy writer hinggil sa kanyang naging pahayag na nagdulot ng hindi maganda laban sa stand-up comedian.
“I would like to publicly apologize to ALEX CALLEJA, my fellow writer, for accusing him of stealing the car wash joke, when in fact, as he has presented proof and receipts, Alex wrote it ahead, which substantiated that he wrote the joke earlier than mine,” panimula ni Chito.
Humingi rin ito ng tawad sa pamilya, mga kaibigan at mga tagasuporta ng stand-up comedian sa kanyang ginawang pagpo-post.
Baka Bet Mo: Chito Francisco humingi ng tawad kay Alex: It was wrong of me
“I would also like to say sorry to his family, friends, and his fans and supporters for my actions.”
Maluwag naman itong tinanggap ni Alex at mukhang satisfied na ito at hindi na matutuloy ang possible cyberlibel case laban sa comedy writer.
“Apology accepted. Now let’s move on!” saad ng komedyante.
Dagdag pa ni Alex, “Salamat Atty. Howie Calleja and Atty. Lorna Kapunan.”
Matatandaang kamakailan lang nang mapag-usapan sa social media ang naging pasaring ni Chito sa taong napanood niya sa Netflix na umano’y nagnakaw ng kanyang sariling gawang joke.
“Nanood ako ng Netflix special ng isang pinoy stand up comedian. Ginamit yung isang joke ko. Well, marami pa ako niyan brod. Madami ka pa puwede nakawin,” ani Chito.
Marami naman sa mga tagasuporta ni Alex ang pumalag sa naturang post at ipinagtanggol si Alex.
Sa kabila nito ay naglabas naman ng resibo ang stand-up comedian na year 2011 pa nang i-post at ibandera niya sa madlang pipol ang naturang joke kaugnay sa carwash.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.