Alex Calleja sinegundahan si Vice Ganda: Bumoto nang tama!
SANG-AYON ang stand-up comedian at writer na si Alex Calleja sa pahayag ni Vice Ganda sa pagboto nang tama sa nalalapit na eleksyon.
Nagkaroon kasi ng temporary segment sa “It’s Showtime” kung saan lumilibot sila sa mga madlang pipol sa studio para sukatin ang kaalaman ng mga ito.
Ang naturang video clip ng pagtatanong nina Vice, MC, at Lassy ang ibibahagi ni Alex.
Doon ay natanong ang tatlong sangay ng pamahalaan: Executive, Legislative, at Judiciary. Kasabay nito ang pagpapaalala ni Vice sa kahalagahan ng legislatove branch.
Baka Bet Mo: Anne Curtis, Alex Calleja, Ogie Diaz ibinandera ang suporta kay Bam
View this post on Instagram
“Legislative… iyan ‘yong branch ng Kongreso at saka ng Senado, ‘di ba, ang trabaho talaga nila ay gumawa ng batas, kaya dapat ang iboboto natin sa Kongreso at Senado ay ‘yong gagawa ng batas.
“‘Yong may alam na gawing batas, at ‘yong may planong gumawa ng batas, dahil ang Kongreso at Senado ang ginagawa po niyan talaga eh gumagawa ng batas, hindi nagbibigay ng ayuda, okay? ‘Di ba? Iyon talaga ‘yong pangunahin nila, law-making sila. Kaya dapat gagawa sila ng batas, hindi ‘yong mamimigay sila ng pera. Law-making po ito ha,saad ni Vice.
Agad naman itong sinegundahan ni Alex at sinabing unahinh piliin ang mga kandidatong marunong at maalam sa batas.
“Taga-gawa ng batas ang mga Senator at Congressman, hindi taga-bigay ng pera!
“Ito na ang #TamangPanahon para bumoto ng tama!” ani Alex.
Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon rin sa dalawa.
“Tama. Hindi tagasayaw at tagakanta ang mga tunay na mambabatas,” sey ng isa.
Comment naman ng isa sa post ni Alex, “Kaya alam mong madaming umaasa lang sa gobyerno. Ayaw magtrabaho kaya yung may ayuda ang iboboto.”
“Mas madaling makakuha ng boto kapag ayuda ang binigay realidad,” chika naman ng isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.