Vice niligawan ng mga partylist pero ligwak, pinili Angkasangga

Vice Ganda niligawan ng ilang partylist pero ligwak agad, pinili Angkasangga

Ervin Santiago - April 09, 2025 - 12:10 AM

Vice Ganda niligawan ng ilang partylist pero ligwak agad, pinili Angkasangga

Vice Ganda at George Royeca

MARAMING partylist ang nanligaw para sa endorsement ni Vice Ganda, pero tinanggihan niya ang mga ito dahil hindi siya bilib sa pagkatao ng mga nagsusulong ng nasabing grupo.

“Ang dami ring lumalapit sa akin na mga partylist na pinagdududahan ko rin, talaga, iyan ang partylist mo?

“Parang ang layo sa pagkatao mo nu’ng partylist na binibitbit mo,” ang pahayag ni Vice sa kanyang vlog kasama si Angkas CEO at Angkasangga Partylist First Nominee George Royeca.

“Kasi ngayon, parang gamitan na lang din ang grupo ng tao na bibitbitin kuno, para mas magmukha silang relatable, mas magmukha silang masa at mayroong kaakibat,” dagdag pa ng TV host-comedian.

Ayon pa kay Vice, nagpasya siyang suportahan ang Angkasangga Partylist dahil bukod sa matagal na niyang kilala si Royeca, kaisa rin siya sa mga isinusulong na mga programa nito—kabilang ang magandang sistema ng Angkas na naipatupad na sa maraming lugar sa Pilipinas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Isa sa mga plano ng Angkasangga Partylist na sinusuportahan ni Vice ay ang pagkilala sa informal workers bilang importanteng kasangkapan ng ekonomiya ng bansa.

Para kay Royeca, malaki ang maitutulong ng pagkilala sa informal workers upang maiangat ang kanilang buhay at makaahon sa kahirapan.

“Paniwala ko, we can eradicate poverty in our lifetime if you just recognize those workers that are already working on a daily basis. Have a law that will protect them, their livelihood and income,” sabi ni Royeca.

Nakiusap din si Vice kay Royeca kung maaari nitong suportahan maipasa ang SOGIE bill kapag nakaupo na ito sa kongreso.

Ayon kay Royeca, matagal na siyang kaalyado ng LGBTQIA+ community at marami na silang ginawang kampanya sa Angkas para suportahan ang nasabing community.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
News Hub