Vico Sotto may ‘armas’ laban kay Sarah Discaya, pwedeng ma-disqualify sa pagtakbo?
ISINIWALAT ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nag-file ng petition for disqualification laban sa kanya si Pacifico “Curlee” Discaya II, asawa ng kanyang political rival na si Sarah Discaya.
Inihain ang reklamo noong January 28, 2025 laban sa alkalde ngunit agad rin naman itong ibinasura ng Commission on Elections (Comelec).
Kuwento ni Mayor Vico, nagmula ang reklamo patungkol sa impormasyon tungkol sa St. Timothy na umano’y fake news.
“Sabi niya ‘misinformation’ daw yung sa St. Timothy, kahit pareho naman kami ng sinasabi ng Comelec Chairman na mismo,” saad ng alkalde.
Dagdag pa niya, sinisisi siya ni Curlee sa mga ipino-post mg mga tao sa social media.
Baka Bet Mo: 77-anyos na PWD pinilit, ginamit para siraan si Vico Sotto, pamilya umalma
View this post on Instagram
“Sinisi niya rin ako sa mga post ng iba’t ibang tao sa social media—nagbabasa pala siya ng Reddit,” pagpapatuloy pa ni Vico.
Aniya, sa katunayan ay mayroon siyang hawak na “armas” o ebidensya na maaaring maging grounds para kuwestiyunin ang eligibility ng kalaban niya sa pagka-alkalde ng Pasig City.
Diumano’y ginamit pa ni Sarah ang kanyang British passport ngayong taon.
“Dahil ginamit niya pa diumano ang kanyang British passport ngayong 2025 lamang (Because she allegedly used her British passport this year),” sey ni Vico.
Kasunod nito ay ang kanyang pagpapaliwanag ba ang paggamit ng foreign passport matapos ang pag-file ng certificate of candidacy ay hindi maaari ayon sa Philippine election law.
Ito rin ay maituturing na “act of allegiance” sa ibang bansa.
Chika pa ni Vico, noong Januaryvpa nang marinig niya ang patungkol sa flight details ni Sarah ngunit pinili na lamang nitong huwag maghain ng petisyon.
“Bakit? Dahil ayokong may ma-disqualify sa kampo nila. Kailangan ipakita natin sa kanila na sa Pasig, naputol na natin ang siklo ng malaking gastusan pag eleksyon, traditional politics, at korapsyon,” sabi pa ng alkalde.
Paglilinaw ni Vico, kailangang malaman ng publiko ang katotohanan kaya niya ito ibinahagi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.