77-anyos na PWD pinilit, ginamit para siraan si Vico Sotto

77-anyos na PWD pinilit, ginamit para siraan si Vico Sotto, pamilya umalma

Ervin Santiago - April 09, 2025 - 01:19 PM

77-anyos na PWD pinilit, ginamit para siraan si Vico Sotto, pamilya umalma

Vico Sotto at Vic Sotto

NAGPUPUYOS sa galit ang pamilya ng isang 77-anyos na person with disability (PWD) na ginamit umano para wasakin si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ayon sa ulat, pinilit at tinuruan umano ang babaeng senior citizen na may mental disability ng kanyang mga sasabihin laban kay Vico na tumatakbo uli sa pagka-mayor ng Pasig.

May video na kumakalat sa Facebook na mula raw sa account na “The Journal Pasig” kung saan mapapanood nga ang babaeng PWD habang sumasagot sa mga tanong tungkol sa anak nina Vic Sotto at Coney Reyes.

Nakarating na rin ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos silang i-tag ng ilang netizens na nabahala sa naturang video.

Ayon sa DSWD, nagreklamo ang pamangkin ng senior citizen matapos mapanood ang video kung saan kitang-kita ang ginawang pananamantala sa kapansanan ng kanyang tiyahin.

Base sa ulat, bumuo agad ng fact-finding team ang DSWD para imbestigahan ang pangyayari at napatunayang nga nila na may kapansanan nga ang babae sa video.

Sa panayam ng “Unang Balita” kay DSWD Sec. Rex Gatchalian,  inuuna muna nila ang kalagayan ng biktima dahil nagkaroon umano ito ng psychological trauma matapos ang ginawang pananamantala sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vico Sotto (@vicosotto)


“Hiyang-hiya siya. Kinakantiyawan na siya. Iniinis siya ng mga kapitbahay. So yung ating may kapansanan na mentally challenged or merong mental disability, mas lalong may pinagdaraanan,” pahayag ni Gatchalian.

“Ayon sa kaniyang salaysay at ayon na rin sa salaysay ng kamag-anak niya, siya ay pinilit at tinuruan siya kung ano yung sasabihin niya. Ang nangyari, sinabi niya na ayaw niya pero pinilit siya. So napapayag siya.

“Ang sunod niyang sagot, ‘Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ako marunong sumagot sa mga ganitong katanungan.’ ‘Di bale tuturuan ka namin’ at tinuruan siya. Fineed siya no’ng sagot,” sabi pa ni Gatchalian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang desisyon ang pamilya ng 77-anyos na PWD kung itutuloy pa nila ang pagdedemanda sa nag-upload ng video.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending