Marjorie sa mga kapatid ni Dennis: 'Grabe kayo!'

Marjorie sa mga kapatid ni Dennis: ‘Grabe kayo, alam niyo ‘yung ginawa sa akin!’

Pauline del Rosario - April 12, 2025 - 10:53 AM

Marjorie sa mga kapatid ni Dennis: 'Grabe kayo, alam niyo 'yung ginawa sa akin!'

Marjorie Barretto, Dennis Padilla with Gene Padilla

ITINAMA ni Marjorie Barretto si Gene Padilla, ang kapatid ni Dennis, dahil sa post nito sa Instagram na nagsabi ng hindi maganda sa mga pamangkin niyang sina Julia, Claudia at Leon.

Hindi nagustuhan ng mother of the bride ang ibinandera ng kapatid ni Dennis sa kanyang IG account pagkatapos nilang dumalo sa kasal ng pamangking si Claudia at Basti Lorenzo nitong April 8.

“Ano ba ang nira-rant mo Gene? First thing first no offense, you were not invited to the wedding, si mama (ex-mother in law) lang at si Dennis.

“Kasi sa ranting niya parang nagising pa siya ng 5 a.m. mula Bulacan pumunta pa siya ng Alabang, wala naman nagsabing gawin mo ‘yun Gene.

Baka Bet Mo: Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

“Imbes na pinahinahom mo ‘yung kapatid (Dennis) mo, finuel mo pa, eh. Mas charged daw siya ang kuwento ng mga pamangkin ko, ‘siya pa (galit), si kuya walang role, walang ganyan. Ina-agitate mo pa.

“Alam mo bigla kang nag-post, it’s just so, hindi ka invited Gene, eh. With all your due respect my daughter has now recollection of you. Wala kayong naging relasyon,” detalyadong sinagot ni Marjorie ang post ni Gene.

At sa mga hindi pa nakakaalam ng rant ng kapatid ni Dennis, “Ngayon lang po ako magsasalita…by 1PM nasa church na po ako… galing Bulacan going to Alabang…si mama po namin 5 a.m. gumising na excited same kay Kuya Dennis Padilla para sa kasal ng anak niya.

“Ngayon lang ako naka-witness ng kasal na ‘di part ng program ang ama ng bride, sa aga namin dun… a nandu’n mga event organizer wala man lang nagsabi na ‘di siya part ng program.

“Di kasama sa entourage na maglalakad sa gitna papuntang harapan ng altar…nagtanong kami kung san uupo ang nanay namin ang sabi kahit saan dun at ‘yung ama du’n na lang DAW sa tumabi sa mga ninong kaya kami ni kuya Dennis pumunta na lamang sa likuran.

“Napaluha at napaiyak si kuya sa mga nangyari kaya sabi ko umuwi na tayo after ng simbahan at pa-picture na lang sa kinasal. Naawa din ako sa nanay ko kasi naiyak na rin, naramdaman ko ‘yung sakit na naramdaman ng kapatid at nanay ko dahil ama din ako.

“Ang tagal na panahon na nanunuyo at nahingi ng atensyon ama niyo sa inyo mga anak, ‘yan ba itinanim ng mga nakapaligid sa inyo. Puro kayo karangyaan at kasikatan sa inyo na lahat yan… sanay kami sa hirap at di talaga kami nababagay sa inyo pero pinagkaiba namin sa inyo ay ‘yung puso namin at dignidad di niyo kaya pantayan kahit magtanong kayo sa ibang magulang tama ba o mali ang ginawa niyo sa tatay niyo???

“Dennis Dominguez Padilla Cheeni Taa Samuel Baldivia di pala father of the BRIDE! Guest of the BRIDE!!”

Isa pang sinita ng mama nina Julia, Claudia at Leon ay ang kapatid na babae nina Dennis at Gene na sa ibang bansa nakatira.

“Jennifer, really, Jen? Grabe ang sakit ng mga sinabi mo, may wish pa na makakarma kayo (magkakapatid) balang araw, why?

“Nandoon ka ba no’n (Jen), nakita mong umiyak si mama? Dennis mabait ka ba talaga kay mama? Hindi mo nga pinapansin si mama, eh, pinapabayaan mo nga si mama. I know the truth.

“Gene and Jen ipinagtatangool ninyo ‘tong kapatid n’yo anak ko itong ginaganu’n niyo?  You’re wishing karma on my children?

“Gene ano pa ‘yung sinasabi mo? ‘Yung mga karangyaan n’yo, ‘yung mga kayamanan n’yo whatever. Gene pinagta-trabahuan ng mga anak ko ‘yan, ha. Do not punish my children if their life is good.  They work so hard what they have, Gene.

“Really grabe ka, kayo alam ninyo kung ano ang ginawa sa akin (Dennis), ‘yung pagkukulang, anong sabi nila, Dennis cries himself to sleep?

“’Yung mga my crying my children to sleep nakita n’yo ‘yun? Nakita n’yo ba ‘yung effect na babatiin ng mga anak ko ng ‘happy father’s day’ ang kapatid ninyo, papadalhan ng pagkain tapos magra-rant kaagad, ‘I don’t need your food, I need a letter. Birthday niya papadalhan ng pagkain ng mga anak ko sa bahay niya, ‘bakit ito lang?’

“Ang dami, grabe ang mga anak ko, over and over na lang nasasaktan may sumagot na ba sa mga anak ko ever? Did any of my children talk bad about their father in interviews, never! They’re suffer in silence, it has an effect on their mental health,” mahabang litanya ni Marjorie.

Dagdag pa, “Wish my children ill sabihin ko ba sa mga anak n’yo ‘yan sana makarma kayo, tama ba ito?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Gene Padilla o ng kampo niya tungkol sa mga nilinaw ni Marjorie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending