Dennis Padilla wala raw ambag sa pag-aaral ni Leon, sey ng netizen: 'Si Julia ang nagsusustento sa kapatid niya' | Bandera

Dennis Padilla wala raw ambag sa pag-aaral ni Leon, sey ng netizen: ‘Si Julia ang nagsusustento sa kapatid niya’

Ervin Santiago |November 22,2023
facebook
share this

Dennis Padilla wala raw ambag sa pag-aaral ni Leon, sey ng netizen: ‘Si Julia ang nagsusustento sa kapatid niya’

Ervin Santiago - November 22, 2023 - 10:10 AM

Dennis Padilla wala raw ambag sa pag-aaral ni Leon, sey ng netizen: 'Si Julia ang nagsusustento sa kapatid niya'

Leon, Marjorie at Julia Barretto at Dennis Padilla

NAGING usap-usapan ng mga netizens ang tungkol sa pagiging tatay ni Dennis Padilla sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.

Nagtatanong kasi ang mga supporters ni Julia Barretto kung tumutulong o may ambag ba ang ama nilang si Dennis sa pag-aaral ng isa pa nitong anak na si Leon Barretto.

Ito’y matapos ibandera ni Marjorie sa buong universe kung gaano siya ka-proud nang malamang kabilang si Leon President’s List at Dean’s List sa kanilang school.

Nag-aaral ngayon si Leon ng Marketing Communication sa University of Asia and the Pacific o UA&P.

Baka Bet Mo: Dennis may open letter din para kay Leon, hiling na makasama muli ang anak: I regret all the times I hid my feelings from you…

Ang feeling ng mga netizens, mukhang hindi naman daw sinusuportahan ng veteran comedian ang pinansiyal na pangangailangan ng kanyang anak para sa pag-aaral nito.

Napag-usapan sa isang episode ng “Showbiz Updates” vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Ate Mrena ang tungkol dito. Ang hirit na tanong ni Ate Mrena, “Mahal doon (UA&P), Kuya. Sinong nagpapaaral sa kaniya?

“Mahal nga, mahal nga ang tuition fee doon. I’m sure si—may pera naman ‘yun—saka si Julia siguro,” ang tugon ni Ogie.

Sey naman ni Mama Loi, “Baka tulong-tulong sila, Nay, ‘no?”

“Oo,” mabilis na tugon ni Ogie saka niya nabanggit ang tungkol sa nabasa raw niyang komento ng isang netizen tungkol kina Dennis at Julia.

Baka Bet Mo: Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

Ayon dito, si Julia naman daw talaga ang nagpapaaral kay Leon at wala umanong sustento sa kanyang anak si Dennis.

“Tapos kung makapaghabol akala mo ulirang ama,” ang sey pa raw ng matapang na netizen.

Ang sabi naman ni Ogie, “wala” rin kasi ngayon si Dennis at may iba pa itong mga anak na sinusuportahan.

Until now ay hindi pa rin nagkakaayos ang komedyante at ang kanyang mga anak kay Marjorie kaya ang sabi ni Papa O, naaawa na siya kay Dennis dahil parang itinakwil na siya nina Julia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang beses nang nag-reach out ang komedyante kina Julia ngunit hindi pa rin siya kinakausap ng mga ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending