Ogie naaawa na kay Dennis dahil sa pangdededma ng mga anak

Ogie naaawa na kay Dennis dahil sa pangdededma ng mga anak: ‘Itinakwil na ba siya?’

Pauline del Rosario |November 05,2023
facebook
share this

Ogie naaawa na kay Dennis dahil sa pangdededma ng mga anak: ‘Itinakwil na ba siya?’

Pauline del Rosario - November 05, 2023 - 05:05 PM

Ogie Diaz naaawa na kay Dennis Padilla dahil sa pangdededma ng mga anak: ‘Itinakwil na ba siya bilang tatay?’

Ogie Diaz, Dennis Padilla

INAMIN ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na awang-awa na siya sa pinagdadaanan ng kanyang kaibigang veteran comedian na si Dennis Padilla.

Ito ay kaugnay sa patuloy na pagdedma ng mga anak ng komedyante kay Marjorie Barretto.

Kamakailan lang kasi, nagpaabot ng birthday message si Dennis para sa itinuturing niyang anak na si Dani, ngunit hindi raw ito nag-reply sa kanya.

“Naaawa nanaman ako kay Dennis Padilla,” sey ni Ogie sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update.”

Baka Bet Mo: Bakit nga ba binura ni Dennis Padilla ang mga posts patungkol kay Julia Barretto?

Kwento niya, ‘Diba lahat ng anak niya, kada birthday binabati niya. So nito namang huli, ang binati niya si Dani Barretto dahil nag-birthday. Tinanong ko si Dennis kung, ‘nagre-reply ba sayo ‘yung mga anak mo kapag binabati mo?’ Wala pa rin daw.”

“Hayaan mo na Ghie, pray nalang tayo kay Lord na isa sa mga araw na ito, sagutin ako, ng mga anak mo. Sabi ko, ‘Si Danni Barretto, sinagot ka?’ Hindi rin daw,” patuloy ng talent manager.

Dahil diyan, hindi na napigilang mag-isip ni Ogie kung itinakwil na nga ba si Dennis ng kanyang mga anak.

“Grabe no. ‘Yung re-replyan lang o i-appreciate lang ‘yung pagbati dahil naalala,” sambit niya.

Saad pa niya, “Na-aano lang ako, parang – hindi ko alam kung ano ba ito. Itinakwil na ba nila si Dennis bilang tatay?”

Katulad ng marami, umaasa rin si Ogie na magiging maayos pa rin ang relasyon ng komedyante at ng mga anak nito.

“E sana nga mahintay pa ni Dennis ‘yun habang malakas pa siya,” lahad ni Ogie.

Tugon pa niya, “What if ‘diba, hindi natin kabisado ang buhay. Kinabukasan may maganap kay Dennis ‘diba? Siyempre alam ng tao ang istorya, ano ang magiging reaksyon ng mga bata?”

“Tatay rin kasi ako kaya iiwasan kong mangyari sakin ‘yan at sa mga anak ko,” paglalahad pa ng vlogger.

Chika pa ni Ogie, “Basta isang araw siguro magigising ang mga bata na, ‘kailangan na natin talagang kausapin si Daddy o si Papa. After all, lumalaki na tayo e. Ayaw din naman nating mangyari sa atin ‘yan at sa mga anak natin.’ So sana lang [maayos].”

“‘Yun din ang pangarap ko for Dennis. ‘Yan nalang kumbaga ang karga ni Dennis eh na sana mabati na siya ng kanyang mga anak,” aniya pa.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza tinalakan si Dennis Padilla: Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan

Ogie Diaz ipinagtanggol si Dennis Padilla: Hindi siya nanghihingi ng kahit singko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending