Richard niresbakan ni Kerwin Espinosa: Hinay-hinay sa paghusga

Richard Gomez niresbakan ni Kerwin Espinosa: Hinay-hinay lang sa paghusga

Ervin Santiago - April 14, 2025 - 04:29 PM

Richard Gomez niresbakan ni Kerwin Espinosa: Hinay-hinay lang sa paghusga

Kerwin Espinosa at Richard Gomez

NIRESBAKAN ni Kerwin Espinosa si Richard Gomez matapos nitong sabihin na tila “scripted” daw ang pagtatangka sa kanyang buhay habang nasa campaign rally noong Huwebes, April 10.

Tumatakbong mayor ngayon si Kerwin sa Albuera, Leyte at ang feeling nga ni Goma na reelectionist naman sa 4th District ng Leyte ay gawa-gawa lamang ang assassination attempt sa buhay ng kandidato.

Sabi ni Richard, “Do not believe somebody like him who has no credibility and a self-confessed drug lord. He will not do anything good for mankind.

“Honestly, para sa akin scripted yung ambush me. Ang pangit ng acting, ang pangit ng pagkagawa,” pambabasag pa niya kay Kerwin.

Sagot naman sa kanya ni Kerwin, “Hinay-hinay lang sa paghusga, congressman. Holy Week ra ba karon. Pag-isipan mo ang iyong mga salita at gawa, dahil hindi gusto ng Panginoon ang kayabangan at pagmamataas.

“Pareho lang tayo, tao at may mga kasalanan. Ang tinitingnan ng Diyos ay ang kabutihan ng ating puso at kung paano natin tratuhin ang kapwa,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezph)


“Sabi mo na wala akong magawang mabuti sa kapwa? Tingnan mo ang sarili mo sa salamin.

“Alam ng mga tao sa distrito natin kung sino sa ating dalawa ang may record na pang-aabuso, at kung sino sa ating dalawa ang mas nakikipagkapwa tao,” sabi pa ni Kerwin.

Matatandaang binaril si Kerwin habang nasa campaign rally sa Barangay Tinag-an, Albuera noong Huwebes. Nasugatan din sa insidente ang kapatid na si Mariel Espinosa-Marinay, na tumatakbo namang vice mayor, at isa pang menor de edad.

Sa interview naman kay Kerwin Espinosa ng “24 Oras”, mariin niyang pinabulaanan na scripted ang nangyaring pamamaril at hindi naman daw siya artista tulad ni Goma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi naman ‘to acting. Hindi naman ako tulad sa kanya na artista eh,” ang patutsada ni Kerwin sa aktor at politiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending