Lucy Torres, Richard Gomez tatakbo ulit sa Leyte

Lucy Torres, Richard Gomez nag-file na rin ng CoC, tatakbo ulit sa Leyte

Pauline del Rosario - October 04, 2024 - 10:01 AM

Lucy Torres, Richard Gomez nag-file na rin ng CoC, tatakbo ulit sa Leyte

PHOTO: Instagram/@lucytgomez

MUKHANG magiging busy rin sa elections campaign ang power couple na sina Lucy Torres at Richard Gomez.

Nag-file na rin kasi sila ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa darating na 2025 elections.

Ang balitang ito ay ibinandera mismo sa official Instagram page ng Ormoc City LGU.

Makikita sa serye ng posts na ang unang nagpasa ng pagkakandidato ay si Lucy na sa ikalawang pagkakataon ay tatakbong alkalde ng nasabing lungsod.

“She was accompanied by 4th District of Leyte Representative Richard Gomez, SP Member Caren Torres Rama, Provincial Board Member Vince Rama, Mayor Lucy’s mother Julie Torres, Albert Patrick Deen and her daughter Juliana Gomez,” saad sa IG post, kalakip ang ilang pictures nila.

Baka Bet Mo: Lucy Torres malalim ang hugot, nanindigan sa pagkampi kay Bongbong Marcos

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ormoc City LGU (@ormoccitygovt)

Kinabukasan ay kinumpirma naman ni Richard na tatakbo rin siya para sa ikalawang termino niya bilang Leyte 4th district representative.

Nag-file siya ng CoC sa COMELEC Provincial Office ng Tacloban City.

“Present to show their support were his wife City Mayor Lucy Torres Gomez, and the Ormoc Development Team (ODT),” wika sa IG ng Ormoc City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ormoc City LGU (@ormoccitygovt)

Bago pa maging mayor si Lucy, siya ay nagsilbi munang representative ng Leyte 4th District na ngayon ay posisyon ng kanyang mister.

Matatandaan naman noong 2022 nang magpalit ng pwesto ang mag-asawa at ito ‘yung unang pagkakataon na naging mayor ang dating aktres.

Habang si Richard naman ay anim na taong nagserbisyo bilang alkalde sa nasabing lugar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending