Richard Gomez tinawag na ‘ungas’ ang mga writers matapos ang viral traffic post
MATAPOS batikusin ng madlang pipol ang kanyang deleted Facebook post tungkol sa hinaing sa trapiko, naglabas ng hinaing si Richard Gomez sa mga artikulong naisulat kaugnay nito.
Sa kanyang Threads account ay inilabas nito ang saloobin hinggil sa kanyang viral post.
Dito ay binatikos ni Richard ang mga manunulat na sumulat ng articles patungkol sa kanyang traffic rant.
“Paki-check nga kung deleted yung post ko? Pakisabi sa mga ungas na writers tingin-tingin din kapag may time,” saad ng 4th District of Leyte representative.
Baka Bet Mo: Richard Gomez binatikos matapos magreklamo sa EDSA traffic
View this post on Instagram
Sa comment section ay makikita ang panggagalaiti ng netizens dahil sa kabila raw ng pag-call out kay Richard ay nananatili pa rin itong “insensitive” at “privileged”.
“Wag po kayong bastos. Di porke’t congressman kayo eh nagmamataas na kayo. Public office is a public trust. Accountable ka sa taumbayan. Ang nasabi ay nasabi na kahit nadelete pa. The only way to be accountable for the incompetent thing you said is to apologize. Say ‘sorry’ sa mga nagpapasweldo sayo. Mahirap ba? If so, leave public service,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isang netizen sa post ni Richard, “Deleted or Hinde, it doesn’t changed the fact how privileged you are. Lack of compassion para sa mga daily commuters.”
Matatandaang naging usap-usapan ang actor-politician sa social media matapos mag-viral ang kanyang post kung saan nadismaya siya sa lala ng traffic sa Metro Manila.
“[Two] hours in EDSA traffic and counting. From Makati, Ayala, nasa SM Edsa pa lang ako up to now. Eh [Quezon City] ang punta ko. [One to two] hours pa ba?!” saad ni Richard sa naturang post.
Kasunod nito ang pagmumungkahi niya na buksan ang bus lanes kapag mabigat na ang daloy ng traffic.
“Ilang bus lang ang gumagamit ng bus lane, bakit hindi buksan during heavy traffic para mas lumuwag ang traffic?” dagdag ni Richard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.