Phillip Salvador ‘sunog’ kay Gloria Diaz: Yung anak mo, padalan mo ng pera

Phillip Salvador at Gloria Diaz
HOT topic ngayon ng mga Marites ang umano’y patutsada ng kauna-unahang Pinay Miss Universe na Gloria Diaz laban sa veteran actor na si Phillip Salvador.
Binoldyak ni Gloria si Ipe nang mapanood ang isang video na kumakalat ngayon sa social media habang nagtatalumpati sa harap ng napakaraming tao.
Actually, two weeks ago pa nagkomento rito si Gloria na unang in-upload sa Instagram pero ngayon lang nag-viral nang ibahagi na ng mga netizens sa socmed.
Base sa naturang video, maririnig ang beteranong aktor at dating action star na paulit-ulit na nagda-dialogue ng “bring him home.”
Ang tinutukoy niya ay ang dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa The Hague, Netherlands kung saan siya lilitisin ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga nagawa umano niyang “crimes against humanity.”
Sa comments section ng uploaded video ay nakita nga ng ilang netizens ang komento ng beteranang aktres na ikina-shock ng karamihan. May mga nagduda kung si Gloria nga ang nag-iwan ng comment sa post pero mas marami ang naniwalang “legit” ang hirit ng aktres.
View this post on Instagram
“Yung anak mo, padalan mo ng pera,” ang maikli ngunit tumatagos na mensahe umano ni Gloria Diaz para kay Phillip na tumatakbong senador sa May, 2025 elections.
Burado na ang matapang na komento ni Gloria pero marami na ang nakapag-screenshot nito. Pero ang nagkakaisang hirit ng netizens, “no filter since 1969” na siya ring nakasulat sa kanyang bio sa Instagram.
Wala mang binanggit na pangalan ang veteran actress, naniniwala ang mga netizen na ang tinutukoy nito ay ang anak ni Ipe kay Queen of All Media Kris Aquino na si Joshua.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens na nakabasa sa comment ng iconic beauty queen.
“True. Kung anak nga napabayaan, paano pa ang taumbayan na pagsisilbihsn nya?”
“Oh well, pag ito nanalo wag sya ang sisihin nyo isa ka lang naman sa eleksyon eh botante o bob*tante.”
“Tama kayo dyan. Tropa ni DP. Mga feelingero lang pero wala naman binatbat.”
“Tama naman si Ms. Gloria Diaz sa comment na ito. Pabaya siyang ama and people know that its an open book. tapos magulat ka yan pa iboboto ng mga tao. Tapos magtataka sila bakit napakahirap ng buhay sa Pinas.”
“Yung isang anak nya kay Kris Aquino, si Josh. Sana nga bigyan nya ng sustento, esp na may special needs sya at may sakit si Kris.”
“Finally, may isang gloria diaz. Salamat at alam nating marami ang hiyang-hiya sa pinaggagawa ng mga artistang laos na ito. Omg ipe.”
Sa vlog ni Ogie Diaz ilang buwan na ngayon ang nakararaan, may sinabi raw sa kanya si Ipe.
“Ito ‘yung pagtatapat lamang ni Philip Salvador sa ilan niyang kaibigan na nami-miss daw niya. Talagang sinolo na ni Kris Aquino ang pagpapalaki sa kanyang mga anak,” pahayag ni Ogie.
Sa isang panayam naman kay Kris, sinabi niyang grateful pa rin siya kay Phillip, “No issues whatsoever kay Phillip Salvador, kasi hindi naman niya kami ginulo. Wala siyang masamang sinabi tungkol sa akin.
“Publicly, pinuri niya ang pamilya ko, ang mom ko, ako, mga kapatid ko sa pagpapalaking nagawa namin kay Josh. So, sa kaniya, grateful ako,” aniya.
Bukas ang BANDERA sa panig ni Phillip.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.