Ruru Madrid napaiyak sa sampal ni Phillip Salvador: Pero itinuloy ko ‘yung eksena, tinapos ko then sabi niya, ‘Good job!' | Bandera

Ruru Madrid napaiyak sa sampal ni Phillip Salvador: Pero itinuloy ko ‘yung eksena, tinapos ko then sabi niya, ‘Good job!’

Ervin Santiago - September 05, 2022 - 04:56 PM

Ruru Madrid naiyak sa lakas ng sampal ni Phillip Salvador

Ruru Madrid

NAPAIYAK si “Lolong” lead star Ruru Madrid nang sampalin siya ng veteran actor na si Phillip Salvador noong mag-audition siya sa dating reality talent show ng GMA 7, ang “Protégé”.

Binalikan ng Kapuso hunk at matinee idol ang mga naging experience niya noong nagsisimula pa lamang siya sa entertainment industry sa YouTube vlog ng actress-TV host na si Toni Gonzaga.

Sa isang bahagi ng vlog, inalala nga ni Ruru yung araw nang sampalin siya nang bonggang-bongga ni Kuya Ipe sa audition ng “Protégé” na isa sa mga celebrity mentors ng Kapuso reality program.

“At first, hindi ko alam na makakapasok ako sa ‘Protégé’ kasi nu’ng time na ‘yon nu’ng nag-audition ako, nandoon na si Phillip Salvador.

“Siyempre starstruck ako sa kanya and then may pinabasa sa aking monologue, kabisaduhin ko raw,” ani Ruru.

Dagdag pa ng binata, “‘Yung monologue was about parang tatay na binubugbog ‘yung anak tapos sumagot siya (Phillip) or the first time, hindi niya nararamdaman.”

View this post on Instagram

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Kasunod nito, bigla raw tumayo si Ipe at lumapit sa kanya. Niyaya ng award-winning veteran actor si Ruru na mag-reading sila ng script para mas maging makatotohanan ang atake ng binata.

“‘Pagsabi ko pa lang ng first line sinampal na ako! Totoong sampal. Umiyak ako pero itinuloy ko ‘yung eksena and tinapos ko then sabi niya, ‘Good job!’” kuwento pa ni Ruru.

Samantala, naibahagi rin ng boyfriend ni Bianca Umali kay Toni na may pagkakataon din na lumobo ang ulo niya nang sumikat na siya dahil sa tagumpay 2016 TV series niyang “Encantadia.”

“Nu’ng time ng ‘Encantadia’ parang lahat ng tao nakatingin sa akin pero after nu’n parang wala na. So somehow, parang pinaramdam sa akin ni God na, ‘Sumobra ka doon. Kailangan mong ibaba ulit ‘yung sarili mo,” pahayag pa ni Ruru.

Nauna rito, talagang inamin ng binata na yumabang daw talaga siya dahil grabe raw ang natatanggap niyang papuri at atensyon ng publiko habang humahataw sa ere ang “Encantadia.”

Mas lalo pa raw niyang naramdaman ang kasikatan nang ikumpara na siya sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Sa ngayon, hataw kung hataw pa rin sa ratings game ang kanyang  action-fantasy primetime series na “Lolong”.

Bukod dito, napapanood din siya sa Pinoy version ng hit Korean reality show na “Running Man Philippines” kasama sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Angel Guardian at Lexi Gonzales.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303750/ruru-madrid-kylie-padilla-iniwasang-mapalapit-sa-isat-isa-habang-ginagawa-ang-encantadia-2
https://bandera.inquirer.net/293448/phillip-binanatan-ang-ilang-nakaupong-politiko-tinabla-na-nga-ba-ang-mga-kaibigan-sa-senado
https://bandera.inquirer.net/315294/lolit-hinangaan-ang-tatag-ng-loob-ni-kris-sa-pagpapalaki-kay-josh-at-bimby
https://bandera.inquirer.net/315243/janine-gutierrez-nag-audition-noon-sa-encantadia-ng-gma-pumasa-bilang-amihan-pero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending