Dingdong, Kim: ‘Tiyaking nagagamit nang tama ang ating buwis!’

Dingdong, Kim may paalala: ‘Tiyaking nagagamit nang tama ang ating buwis!’

Pauline del Rosario - March 06, 2025 - 03:18 PM

Dingdong, Kim may paalala: ‘Tiyaking nagagamit nang tama ang ating buwis!’

Dingdong Dantes, Kim Chiu

TILA mas nagningning ang ilang artista hindi lang sa kanilang talento, kundi pati na rin sa pagiging huwarang mamamayan! 

Kamakailan lang, kinilala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ilan sa mga sikat na personalidad bilang bahagi ng “Top Celebrity Taxpayers of 2024.” 

Isa si Dingdong Dantes sa mga nabigyan ng parangal, at imbes na magpasalamat lang ay nagbigay siya ng makabuluhang paalala tungkol sa responsibilidad ng bawat Pilipino sa pagbabayad ng buwis.

Bungad niya sa isang Instagram post, “Malapit na ang April 15—filing of taxes!”

Baka Bet Mo: Janno nilektyuran ng abogado: Kahit wala kang trabaho, nagbabayad ka pa rin ng buwis, makamema ka, wagas!

Sey niya, “Bilang mamamayan, siguraduhin nating maayos at tama ang pagbabayad ng buwis, dahil dito nanggagaling ang pondo para sa mga serbisyong pampubliko.”

Dagdag niya, tungkulin din ng bawat taxpayer na maging mapagmatyag upang masiguro na nagagamit nang tama ang kanilang ibinabayad na buwis. 

“Bilang taxpayers, tungkulin din natin na maging mapagmatyag at siguraduhing ang ating buwis ay nagagamit nang tama ng mga taong iniluklok natin sa pwesto at may pananagutan dito,” wika pa ng celebrity dad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Samantala, ipinahayag naman ni Kim Chiu ang kanyang karangalan sa pagtanggap ng naturang pagkilala at hinikayat din ang lahat na maging responsable sa kanilang tax obligations.

“Honored to be recognized as one of the top taxpayers in the media industry. As responsible citizens, it’s important to understand our tax obligations and how they contribute to nation-building. Thank you, BIR, for this recognition-let’s continue to support a stronger economy together!” sambit ng TV host-actress.

Patuloy niya, “May this award inspire more individuals and businesses to uphold integrity and responsibility in tax compliance.”

Mensahe pa niya sa publiko, “Together, let’s continue working toward a stronger and more prosperous nation. Thank you, and mabuhay ang lahat ng mga Pilipino!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Bukod kina Dingdong at Kim, kasama rin sa mga pinarangalan sina Vice Ganda, Julia Barretto, Kathryn Bernardo, Darren Espanto, Daniel Padilla, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Catriona Gray.

Si Vice ang nangunguna sa nasabing recognition at sa pagtanggap niya ng award ay nagpaalala siya ng tamang paggamit ng buwis at ang obligasyon ng mga nasa gobyerno na ipaliwanag kung saan napupunta ang buwis ng bayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending