Angelica naloka sa KimPau: Friends lang daw pero ganoon maghalikan!?

Bela Padilla, Angelica Panganiban, Paulo Avelino at Kim Chiu
SUPER react sina Angelica Panganiban at Bela Padilla sa mga nakakalokang kissing scene ng kanilang BFF na si Kim Chiu at ni Paulo Avelino pelikulang “My Love Will Make You Disappear.”
Enjoy na enjoy daw sila sa first movie ng tambalang KimPau under Star Cinema na nagkaroon ng premiere night recently kung saan nga present ang dalawang best friend ni Kim.
“Congratulations Kim. Parang si Kim lang talaga yung gusto kong i-congratulate panalung-panalo siya sa lahat ng ginawa niya kay Pau,” ang pahayag ni Angelica sa panayam ng ABS-CBN.
Hirit naman ni Bela sa ipinakita ng kanyang kaibigan sa pelikula, “Grabe, Kim in her most daring role!”
Hindi na rin daw nila nabilang ang paghahalikan ng dalawang bida sa movie dahil sa dami. Birong chika nga ni Angge, “Mga 84 million!”
Dagdag papuri naman ni Bela sa kauna-unahang pelikula ng KimPau, “I loved it, feel good. Tawang-tawa kami.”
View this post on Instagram
Sey ni Angelica, “Mula umpisa hanggang sa natapos, talagang ngumingiti ka lang. Of course, may mga moments na makikinig ka, pero most of the time talagang mapapasigaw ka, matatawa ka nang malakas. Laugh out loud film siya.”
“Nakaka-proud bilang mga kaibigan dahil kitang-kita mo na tinrabaho talaga ni Kim ‘yung buong pelikula at bagay na bagay talaga sila ni Pau. Dito ko na-confirm na bagay nga sila,” dagdag pa ni Angge.
Ang nakakaloka pang hirit ni Angelica kina Kim at Paulo, “Friends daw sabi nila sa movie. Pero ganoon maghalikan!”
Ang iba pang celebrities na sumuporta sa pelikula ng rumored couple ay sina Ryan Bang, Melai Cantiveros, Amy Perez, Lassy Marquez, Maymay Entrata, Maki, Mikha Lim of BINI at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.