Angelica kay Gregg Homan: Sa kanya, nakahanap talaga ako ng katahimikan

Angelica Panganiban, Gregg Homan at Amila Sabine
NANG dahil sa seasoned actress na si Cherry Pie Picache, nakilala ni Angelica Panganiban ang asawang si Gregg Homan.
Binalikan ng Kapamilya actress at celebrity mom ang naging simula ng love story ng pi nakamamahal niyang husband at tatay ng kanyang panganay na si Amila Sabine o Bean.
Una silang nagkita at nagkakilala ng husband niya habang nasa taping siya ng teleserye sa Subic kung saan nakasama nga niya si Cherry Pie na siyang nag-introduce sa kanya kay Gregg.
Sa panayam sa kanya ni Ryan Bang na napapanood ngayon sa YouTube vlog ng Koreanong komedyante at TV host, naibahagi ni Angelica ang ilang detalye sa pagsisimula ng relasyon nila ni Gregg.
“May taping kami du’n (sa Subic), pandemic. So nu’ng day off namin, kinukulit ako ni Cherry Pie, sabi niya, ‘Sige na, papakilala ko na sa ‘yo.’
“Matagal na niyang gustong ipakilala sa akin, wala lang chance. Tapos nu’ng, parang una ayaw ko. Sabi ko, ‘Okay sige na, sige na. Papuntahin na!'” lahad pa ni Angelica.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa ni Angge, “Nu’ng una talaga, parang ano lang ako, nice lang ako. Parang hi, hello, ganu’n shake hands.”
Kasunod nito, muling nagpakita si Gregg sa next day off nila sa taping at nagdala pa ito ng palafang, “Pinadalhan niya ako ng food, pati ‘yung mga cast nakakain. Ang dami talaga niyang pinadala.”
Nagpasalamat naman daw ang aktres kay Gregg dahil sa effort nito na dalawin siya with matching food pa. Hanggang sa yayain na nga siya nitong mag-boating.
Na-curious naman daw ang aktres nang malamang gumagawa ng mga boats, “Sabi ni Cherry Pie, ‘Gumagawa siya ng mga boat.’
“Parang nakukuha ‘yung attention ko kasi different siya sa mundo natin, tayo artista tayo, parang ako, ‘paano mag-build ng boat, di ba?’ Para kang gumagawa ka ng car. Parang ang galing naman niya,” chika pa ni Angge.
Habang tumatagal daw ay mas lalo pa niyang nakikilala si Gregg to the point na looking forward na siya lagi sa kanilang pagkikita.
“Tapos du’n kami finally parang nakuha talaga niya attention ko. Kuwentuhan kami, tapos ‘yun parang ano na hinahanap-hanap ko na siya, halimbawa may day off kami, hindi ba pupunta ‘yung ano? Ganu’n na,” pagbabalik-tanaw ni Angelica.
“As in na-enjoy ko ‘yung company niya. Hindi ako attracted na parang in love ako agad, may crush ako. Hindi, talagang interesting siya sa akin as a person,” sey ng aktres.
Saad pa niya, mula nang maging sila ni Gregg hanggang sa maging mag-asawa na, talagang natagpuan daw niya ang totoong kahalagahan ng “peace” o katahimikan.
“Sa kanya, nakahanap talaga ako ng katahimikan. Ang una-una kong naramdaman sa kanya, safe ako. Para kang safe and secured, parang lagi niya akong uunahin,” sey pa ni Angelica Panganiban patungkol sa kanyang husband.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.