Angelica Panganiban ikinasal na kay Gregg Homan

Angelica ikinasal na kay Gregg Homan: ‘Patuloy na maniniwala sa pag-ibig’

Ervin Santiago |January 01,2024
facebook
share this

Angelica ikinasal na kay Gregg Homan: ‘Patuloy na maniniwala sa pag-ibig’

Ervin Santiago - January 01, 2024 - 02:11 PM

Angelica ikinasal na kay Gregg Homan: 'Patuloy na maniniwala sa pag-ibig'

Angelica Panganiban at Gregg Homan

IKINASAL na ang Kapamilya actress at celebrity mom na si Angelica Panganiban sa kanyang fiancé na si Gregg Homan.

Ibinandera ni Angelica sa kanyang Instagram account ang kanilang wedding photos na umani agad ng sandamakmak na likes and comments.

Makikita sa mga litratong ibinahagi ng aktres ang kanyang paglalakad patungo sa altar ng kanilang wedding venue na tila isang events place.

May solo photo rin ang anak nina Angge at Gregg na si Baby Bean o Amila Sabine at siyempre ang kanilang kissing photo as husband and wife.

Baka Bet Mo: Angelica sinigurong hindi sasaktan ng dyowa: Alam ko naman sa simula, sakit ng ulo ito pero nilalaban ko

Ang caption na inilagay ni Angelica sa mga wedding photos nila ng asawa ay, “123 123.” Na ang ibig sabihin ay kahapon, bisperas ng Bagong Taon gaganap ang kanilang intimate wedding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


“Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig. Sa kabila ng lahat. Ang pagmamahal pa rin ang kakapitan.

“Maligayang bagong taon – Mrs Angelica Panganiban Homan!”

Baka Bet Mo: B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Bumuhos naman ang pagbati ng mga IG followers ni Angelica sa pag-iisang dibdib nila ni Gregg kabilang na ang mga kapwa niya celebrities.

Tatlong face at heart emojis ang ipinost ni Marian Rivera sa comment section.

Pagbati ni Rhea Anicoche Tan, “Congratulations!”
Ani Luis Manzano, “Congrats!”

Sabi rin ni Vhong Navarro, “Congratulations!”

Mensahe ni Barbie Imperial, “Congrats ate!!!”

“Love you teh!!! Congrats!” ani Alyssa Valdez.

“ANG GANDANG BRIDE!!!! Congrats sa into!” mensahe ni Maris Racal.

Noong October, 2022 nang ibandera nina Angelica at Gregg ang kanilang engagement after more than two years of dating. Isinilang naman ang anak nilang si Baby Bean noong September 20, 2022.

Sa vlog nilang “The Homans,” in-announce ng engaged couple na magaganap ang kanilang kasal dito sa Pilipinas early next year.

“We were going to get married last year pero we wanted to make Bean a part of it. So we are going to do it early next year. We are looking at places locally to do it. But I am excited for it,” sey ni Angelica.

Pagbabahagi pa ng aktres, “Parang twice na naming dinelay yung wedding. Last year and this year, dapat aalis kami. Ilang beses naming tinray mag-elope pero parang ayaw ng mundo na itago namin.

“Malakas magdasal ‘yung mga kaibigan at ang family members namin. So ngayon mukhang matutuloy na siya.

“Meron na kaming save the date, sinabi na namin siya sa mga kapamilya namin abroad para makapagtipid na sila, makapag-ipon na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, sa mga friends namin na sobrang busy ‘yung schedule nila sa life, marami silang commitments, inunahan na namin sila na i-save na ‘yung araw na iyon,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending