Angelica sinigurong hindi sasaktan ng dyowa: Alam ko naman sa simula, sakit ng ulo ito pero nilalaban ko Bandera

Angelica sinigurong hindi sasaktan ng dyowa: Alam ko naman sa simula, sakit ng ulo ito pero nilalaban ko

Ervin Santiago |August 17,2022
share this

Angelica sinigurong hindi sasaktan ng dyowa: Alam ko naman sa simula, sakit ng ulo ito pero nilalaban ko

Ervin Santiago - August 17, 2022 - 07:43 AM

Angelica Panganiban at Gregg Homan

“TUMAHIMIK ang buhay ko. Nagkaroon ng peace, nagkaroon ako ng sense of security finally!”

Yan ang pagmamalaki ng Kapamilya actress at future mommy na si Angelica Panganiban sa kanyang relasyon sa non-showbiz partner niyang si Gregg Homan.

Naniniwala ang aktres na malaking tulong sa pagiging mature niya bilang girlfriend at life partner ang mga natutunan niya sa kanyang past relationships.

Sa bagong vlog ni Camille Prats, napagkuwentuhan nila ng kanyang kaibigan ang tungkol sa mga naging experience niya sa mga dati niyang nakarelasyon.

“Feeling ko kasi sa life natin, may mga taong likhang matigas ‘yung ulo na parang gusto nila ma-experience first-hand bago sila mapaso.


“Kapag sinabi sa ‘yo na ‘Mainit iyan, huwag mo hawakan,’ siguro may mga taong katulad ko na kahit sabihin sa akin ‘yun, ‘Talaga ba?’

“Tapos hahawakan ko siya. ‘Aray, ang sakit.’ Gaganu’n na lang ako eventually tapos hindi ko na uulitin naman,” sabi pa ni Angelica.

Aniya pa, ang lahat ng mga pinagdaanan niyang sitwasyon in the past ay talagang nagpatatag sa kanya bilang babae at bilang isang tao.

“Parang feeling ko kailangan kong matutunan, gusto ko itong pagdaanan. Tapos no regrets kapag nangyari siya. Wala akong issue sa ganu’n, na parang kapag nagmahal ka, go.

“Hindi ako naniniwalang mapapagod ka. Oo mapapagod ka, magpahinga ka pero laban. Babalik iyan sa ‘yo, maniwala ka. Huwag kang mawawalan ng hope sa sarili mo,” chika pa ng aktres.

At sa tanong kung anu-ano ang mga nagbago sa buhay niya nang maging partner niya si Gregg Homan.

“Tumahimik ‘yung buhay ko. Nagkaroon ng peace. Nagkaroon ako ng sense of security finally. Hindi ko alam kung bakit sa taong ito, sure akong hindi ako masasaktan. Alam ko naman in the beginning na sakit ng ulo ito pero nilalaban ko.

“Bakit ang kalma? Bakit gusto ko lahat? Bakit nakaayon lahat sa gusto ko or sa mga pinagdasal ko or mga hiningi ko noon pa man? Bakit ibinigay sa isang package lang? Parang inaayawan ko pa noong una kasi parang hindi ito totoo,” pahayag pa ni Angelica.

B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Sa wakas, pangarap na baby shower ni Angelica natupad na: Napakasarap sa pakiramdam!

Angelica Panganiban, Gregg Homan magkakaroon ng baby girl: Secretly, ito ang ipinagpe-pray ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending