13-anyos pinakabatang nagka-HIV sa Palawan dahil sa sex

13-anyos pinakabatang nag-positive sa HIV sa Palawan; sanggol nahawa sa ina

Ervin Santiago - March 21, 2025 - 11:53 AM

13-anyos pinakabatang nagpositibo sa HIV dahil sa sex; sanggol nahawa sa ina

KINUMPIRMA ng mga government health officials sa Palawan na isang 13-anyos ang naitalang pinakabatang nag-positive sa Human Immunodeficiency Virus o HIV.

Nakuha ng naturang teenager, na hindi pinangalanan sa report, ang kanyang HIV sa pamamagitan ng sexual transmission o pakikipagtalik.

Ayon sa ulat ng City Health Office (CHO) at Amos Tara Community Center sa Palawan, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kabataan o menor de edad na may HIV sa kanilang probinsya.

Sabi ni CHO Program Coordinator Regina Villapa, nakapagtala sila ng 17 case ng HIV sa mga kabataan hanggang 14-anyos, kabilang na riyan ang isang sanggol na nahawa mula sa kanyang ina.

Base pa sa report, nasa 391 kaso ang naitala mula sa mga nasa edad 15 hanggang 24 taong gulang, habang 593 kaso naman ang mula sa edad 25 hanggang 34 taong gulang.

Bukod dito, nasa Puerto Princesa rin ang may pinakamaraming HIV cases mula sa kabuuang rehiyon ng MIMAROPA na may kabuuang tala ng 709 mga kaso.

Kasunod nito, nanawagan din ang CHO at Amos Tara Community Center sa publiko na ugaliing magpa-HIV test lalo na ang mga indibidwal na nakararanas ng mga signs and symptoms ng Sexually Transmitted Disease o STD.

Sa mga hindi pa aware, ang RedTop Center sa Ospital ng Palawan ang nag-iisang treatment hub sa lugar na nagbibigay-serbisyo sa kabuuang 1,210 pasyente.

Base sa pag-aaral, marami pa ring Filipino ang nagdadalawang-isip na magpa-HIV test kahit pa libre ito dahil umano sa takot o kakulangan sa kaalaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending