Marino pumatol sa misis ng katrabaho, nahawa ng HIV: Nagsisisi na ‘ko!
SISING-SISI ngayon ang isang lalaking netizen matapos mahawahan ng human immunodeficiency virus o HIV nang pumatol sa misis ng kanyang katrabaho.
Ayon sa 22-anyos na marino, pinatulan niya ang asawa ng isa sa mga kasamahan niya sa trabaho dahil hindi siya nakaiwas sa panunukso nito sa kanya.
Sa Facebook page na Marino Ph, ibinahagi ni alyas “Kevin” kung paano sila nagkita at nagkakilala ng misis ng kanyang co-worker at kung paano siya nahawaan ng HIV.
Pagbabahagi ni Kevin, nang umuwi raw siya sa Pilipinas ay marami siyang mga kasamahan na nakisuyo na ipaabot sa kani-kanilang mga kapamilya ang kanilang mga padala.
Baka Bet Mo: Marian sa bastos na bashers: Wala talaga akong pakialam, dedma! Never mind!
“Marami nagpadala sa akin ng pasalubong at isa na rito si 3rdmate,” simulang kuwento ni Kevin.
“July 22 dumating kami sa Manila, the day after nag-report ako sa office for debriefing at natapos ko lahat.
“At sa araw na ‘yon ay nagpadala ako sa JRS at LBC lahat ng nagpadala except kay 3rdmate sa misis niya. Nagulat ako na may friend request ako ‘yon pala misis ni rd.
“In-accept ko at doon kami nag-start mag-chat paano i-turnover ang padala,” dagdag pa ni alyas Kevin.
Patuloy pa niya, “Nagulat ako admin na kahit nag-usap na kami ng misis niya pero nagpapadala siya ng emoji (smiley, kiss, heart at marami pa).
“Parang may pinapahiwatig siya which is mali. The day after pinagkasunduan namin na magkita sa Vito Cruz LRT kasi malapit siya.
“Sinabihan ko na puwede grab o lalamove na lang kaso ayaw niya gusto niya meet up. Siya lang daw mag-isa with matching emoji pa.
“Bilang ‘yon ang request, nag-oo ako. Hamakin mo admin binigay ko na sa kaniya ang padala,” lahad pa ni Kevin.
Pag-alala pa ng Marino, “Ang iksi ng suot niya, ‘yong medyo kita na tapos parang sineseduce niya ako. Sumama ako sa condo nila.
“Grabe ang kalat puro cups ng starbucks nakikita ko, puro beer, parang naawa ako kay 3rd sa napili niyang asawa. Hanggang binigyan niya ako ng beer at hanggang uminit na rin ako (sorry). Akala ko ‘yon lang ‘yon at hanggang inulit-ulit namin,” saad pa ng marino.
“Fast forward, October this year, nilagnat ako admin. Grabe ang lagnat ko… May mga rashes ako, singaw, at ubo’t sipon.
“The doctor requested HIV test at ‘yon na, diagnosed ako as positive. Nakakaiyak. ‘Di ko naman siya masisi kasi ginusto ko naman,” sey pa ng lalaki.
Pinagsisihan na raw ni Kevin ang nagawang kasalanan sa kanyang kaibigan pero huli na nga ang lahat dahil nahawahan na siya ng HIV.
Kasalukuyan pa rin siyang nagpapagamot at nagpaplano na rin siyang aminin sa kanyang katrabaho ang nangyari sa kanila ng misis nito. Nais din niyang sabihin dito ang tungkol sa kanyang sakit bilang warning na rin sa pag-uwi niya sa Pilipinas.
Mensahe pa ni Kevin sa kasamahan sa work, “3rd A.S.L, 3rd ‘yan ang pangalan mo. Sana mabasa mo ‘to at maiwasan pa. Takot ako sabihin sa’yo pasensya kasi may nagawa akong kasalanan. Nag-pm ako sa’yo sa ibang account.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.