Marian sa bastos na bashers: Wala talaga akong pakialam, dedma! Never mind! | Bandera

Marian sa bastos na bashers: Wala talaga akong pakialam, dedma! Never mind!

Ervin Santiago |August 24,2021
facebook
share this

Marian sa bastos na bashers: Wala talaga akong pakialam, dedma! Never mind!

Ervin Santiago - August 24, 2021 - 10:29 AM

Dingdong Dantes at Marian Rivera

KESA pumatol at magalit sa mga bashers at haters sa social media, “DEDMADELA” (read: deadma) na lang si Marian Rivera para iwas kanegahan.

Ito ang reaksiyon ng Kapuso Primetime Queen matapos matanong pagdating sa pagkakaroon ng bashers at mga kritiko.

“Sa totoo lang, wala po talaga akong pakialam. Dedma talaga ako. Wala. Never mind. Dedma,” natatawang pahayag ni Marian sa ginanap na virtual anniversary celebration ng ineendorso niyang Beautederm kasama sina Korina Sanchez at Bea Alonzo.

Chika pa ng misis ni Dingdong Dantes, “Kung talagang makulit sa Instagram or what, e, di, delete, block, and then exit.

“Parang hindi sila nag-e-exist sa mundo. So, huwag na lang. So, dedma ka na lang talaga,” diin pa ng Kapuso actress-TV host.

Para kay Marian waste of time lang ang pagpatol at pagsagot sa mga laitera at mga bastos na netizens at ayaw din niyang ma-stress kaya mas pinipili niyang huwag nang rumesbak.

“Hindi po, e, kasi wala na po akong time para pumatol. Parang mag-alaga na lang po ako ng anak kesa pumatol ako at magbabad sa Instagram. So, ‘wag na lang po,” saad pa ng aktres.

Samantala, naniniwala naman si Marian na bilang isang artista at public figure, may responsibilidad din siya sa kanyang mga supporters kaya naman hindi niya ipinagdadamot ang ilang mahahalahang detalye na nagaganap sa personal niyang buhay.

“The mere fact na artista ka, public property ka, and wala ka namang choice.

“At kung hindi naman dahil sa mga taong nagmamahal na ito sa ‘yo… gusto lang malaman ang konting piraso ng buhay mo, kung anong nangyayari.

“Para sa aming mag-asawa, like, example nanganak ako, shinare ko yung picture sa kanila with Zia and Sixto,” katwiran ni Marian.

Dugtong pa niya, “Ibig sabihin ay pinapahalagahan namin sila. Kung wala sila, wala ako.”

“Okay akong mag-share, pero siyempre, meron akong pagkakataon na may mga sad moment.

“Pag ganu’n, hindi ka naman magiging inspirasyon. Pag ganun, bakit kailangan mo pang ipaalam? May mga pagkakataon na para sa ‘yo na lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero kung kailangang i-share at gusto nilang malaman, bakit hindi, bilang sukli sa pagmamahal nila,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending