4 suspek sa pagkamatay nina Geneva Lopez, Israeli BF nahuli na

Geneva Lopez, Yitshak Cohen
NAHULI na ang umano’y mastermind at tatlo pang suspek sa pagkamatay ng beauty queen na si Geneva Lopez at ng Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen.
Ayon sa inilabas na report ng Teleradyo Serbisyo nitong Huwebes, March 20, inanunsyo ma nahuli na ang apat sa Tarlac at isa sa mga ito ang mastermind sa naganap na pagpatay.
Ayon sa PNP, ang itinuturong mastermind sa pangyayari ay nakipagkita pa kina Geneva at Yitshak bago nai-report na nawawala ang dalawa.
Labis naman ang pasasalamat ng pamilya ng mga biktima dahil unti-unti na nilang nakakamit ang hustisya.
Baka Bet Mo: Geneva, Yitshak posibleng pinatay dahil sa lupa; 2 ex-cop arestado
Ngunit pag-amin nila, hindi pa sila handa para patawarin ang mga ito.
Apat sa limang suspek ay nahaharap sa kasong two counts of murder habang ang isa naman ay pinaghahahanap pa ng pulisya.
Matatandaang noong June 21, 2024 nang i-report ng pamilya ni Geneva na nawawala ang dalawa.
Bago ito ay nakatakda silang makipagkita sa isang tao para mag-check ng property sa Capas, Tarlac.
Subalit kinabukasan, narekober ng Capas Fire Station ang mga gamit ni Geneva gaya ng kanyang ID mula sa nasunog na sports utility vehicle.
Nakumpirmang patay na ang dalawa matapos makita ang kanilang mga katawan sa isang remote area noong July 6.
Ilang araw matapos matagpuan ang mga labi nina Geneva at Yitshak ay pinangalanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga suspek kasama anf dalawang dating pulis na sina Michael Guiang at Rommel Aboso, pati na rin si Jeffrey Santos.
“Itong tatlong ito, kasama ang dalawang nag-voluntary surrender sa kapulisan, sina alyas ‘Junjun’ at ‘Dondon,'” DILG Sec. Benhur Abalos said.
Para sa mga hindi nakakaalam, sumalo noon sa Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 si Geneva para i-represent ang Sto. Tomas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.