Buboy Villar proud sa bagong GF, ang ina ng ika-3 niyang anak

Buboy Villar ibinandera ang bagong dyowa, ang nanay ng ika-3 niyang anak

Ervin Santiago - March 23, 2025 - 09:11 AM

Buboy Villar ibinandera ang bagong dyowa, ang nanay ng ika-3 niyang anak

Buboy Villar, Khrizza Mae Sampiano at Baby Kyrie

IBINANDERA ng Kapuso comedian at host na si Buboy Villar sa buong universe na meron na siyang bagong dyowa na siya ring nanay ng ikatlo niyang anak.

Nangyari ang grand reveal sa latest episode ng podcast nila ni Tuesday Vargas, ang “Your Honor” na nagsilbi ring birthday episode ng show para sa komedyante.

Nag-celebrate si Buboy ng kanyang ika-27 kaarawan nitong nagdaang March 21, kaya naman naging mas espesyal ito matapos ang naganap na relationship at new baby reveal.

Nakilala ng publiko ang bago niyang non-showbiz partner na si Khrizza Mae Sampiano o Isay pati na ang kanilang three-month-old baby Kyruz o Kyrie.

Nakasama ni Tuesday sa pakikipagchikahan kay Buboy ang isa sa mga BBF ng Kapuso comedian na si Jelai Andres bilang co-host. Dito inamin ni Buboy na nagsimula ang love story nila ni Isay nang i-message niya ito online.

Ayon kay Buboy, bininyagan na rin nitong weekend ang baby nila ni Isay kung saan kabilang sa tumayong ninong at ninang ng bata ang Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isay Sampiano🐻ིྀ (@_isaysampiano)


Sa isang bahagi ng programa, natanong si Buboy kung ano ang pinaka- major requirement niya sa muling pagpasok sa isang relasyon.

“Number one rule ko talaga, siyempre may mga anak ako. At pinakagusto ko talaga, bago ‘yan, bago mo ‘ko mahalin, gusto ko lang sana maintindihan mo ‘yung sitwasyon ko.

“Meron akong dalawang mga anak at kailangan mas mahal mo sila, kasi sila ang buhay ko. Ngayon, ‘pag hawak mo ang buhay ko, hawak mo rin ako.

“Hahawakin kita hindi sa para sakalin, hahawakan kita at aalagaan kita hangga’t sa makakaya ko,” aniya.

Itinuturing namang answered prayer at “blessing in disguise” ang pagdating ni Isay sa buhay niya after seven years of being single.

“First time ko maranasan na, siya lang ‘yung parang laging nakikinig sa ‘kin. Parang ako pa nga ‘yung nagsasabing, ‘may gusto ka bang i-share sa ‘kin?”

“Kaya siguro din, Madam Chair (Tuesday), aaminin ko din, kaya kami biniyayaan ng isang sanggol. Kaya kami nagkaroon ng baby din,” rebelasyon nga ni Buboy.

Talaga raw inilihim muna niya ang tungkol sa bago niyang pamilya, “Ayoko ‘yung parang mapangunahan siya ng mga tao, kasi alam mo naman, may social media, ang daming magagaling.

“Parang, kung alam mo ‘yung pinanghahawakan namin ngayon, masaya na kami du’n. Hindi na kailangan mandamay pa ‘yung ibang tao, manghimasok na ‘yung ibang tao,” dagdag ng komedyante.

“Proud ako. Proud ako sa karelasyon ko. Proud ako sa baby namin. Proud ako na mahal niya kami, mga anak ko,” sabi pa niya.

Sinorpresa rin ni Isay si Buboy sa programa with matching birthday cake, “Happy birthday, Dy. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi ika ‘yung binigay niya sa ‘kin.”

Birong hirit pa niya kay Buboy, “And sana bawasan mo na ‘yung pag-iinom mo. Lagi lang ako naka-support sa ‘yo through ups and downs, alam mo ‘yan.”

Base sa Instagram bio ni Isay, isa siyang “public figure” at nagtapos ng Bachelor of Library and Information Science sa City College of Angeles, Pampanga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Kyrie naman ang pangatlong anak ni Buboy, ang unang dalawa na sina Vlanz Karollyn, 7, at George Michael, 5, ay anak niya sa dating American live-in partner na si Angillyn Serrano Gorens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending